Ang pinakamasayang pagdiriwang sa samahan ng mga senyor ay ang kanilang anibersaryo na karaniwan ay tungkol sa pagkakatatag ng kanilang samahan.
Kamakailan lamang ipinagdiwang ng Association of Golden Australian Pilipinos (AGAPI) sa Western Sydney ang kanilang ika-13 anibersaryo sa ilalim ng pamumunuan nila pangulong Gng. Dorothy del Villar at pangalawang pangulo Mr. Lito de Laroya, na ginanap sa Rooty Hill School of Arts sa Rooty Hill, NSW.
Taon taon ipinagdiriwang ang okasyong ito na inaasam ng bawat miyembro kasama na ang pagdalo ng mga panauhing pandangal. Sa pagakakataong ito sila ay sina Consul ng Pilipinas Gng. Melanie B. Diano, na siyang namumuno ng Philippine Consulate sa pagkakataon ng bakasyon ni Consul Malford Angeles.
Natapos kamailan lamang ang tour of duty ni ConGen Anne Jalando-on Louis na bumalik na sa panunungkulan saiDepartment of Foreign Affairs sa Maynla.
Panauhin din ang pinagpipitagang State Member for Mt Druitt G. Edmund Attalla.
Sila at iba pa ang makikita sa mga larawang kalakip ng artikulong ito.
Kapansinpansin ang magandang pagsasamahan ng mga senyor sa okasyong ito.
Mahahalata sa kanilang pagdiriwang kung paano  nakikisama ang mga senyor sa mga gawain na nagbibigay ng kulay sa kanilang buhay. Nakikita natin silang lahat ay masisigla at masasayang nakasuot ng magagandang damit at mamahalin alahas. Nakikita rin natinsila ng kagalingan nilang sumayaw at umawit. Gaya ang nakikita natin sa larawan.
Sa kabilang dako naman kamakailan lamang ang bawat samahan ng mga senyor ay ipinagdiwang nila ang Araw ng mga Ama o Father’s Dayâ. Pinahalagahan din sa araw na iyon ang lahat na miyembro may kaarawan sa araw na yon, nakikita natin sa kanilang mga larawan silang lahat ay masasaya at masisigla silang lahat gaya ang nakikita natin sa larawan.
Ang mga senyor, masasabi natin sila ay masasaya sa kabila ng mga hirap na dulot ng kanilang pagtanda, kasama na ang tinatawag nilang G S T.
Ito ay pabiro na ang ibig nilang sabihin at Gout†Sa Tuhod o kaya ang kanilang tungkulin na kalingahin ang mga apo. Ang isa pang pabiro at Duty Free na patungkol naman pag-aalaga sa kanilang mga apo ng libre o kaya walang bayad.
Isa ito sa mga larawan ng buhay ng mga senyor dito sa Australia. Ang mga kasayahan ay aspeto ng buhay. Kung minsan ay masasaya sila at kung minsan naman ay malungkot dahil sa pagod at pagdaan ng panahon ng pagtanda nila. Dapat talagang unawain ng nakararami lalong-lalo na ng mga anak, at kabataan, ang sitwasyon ng mga senyor sa pang-araw raraw at maging sa mga araw ng bakasyon at mga araw ng lingguhang pamamahinga..
Leave a Reply