SINULAT NI NARDS PURISIMA
Bakit nga ba interesadong interesado ang mga senyor na kabilang sa mga kapisanan o asosasyon na dumalo sa mga kaganapan ng komunidad?
Matiyaga silang nag-uukol ng panahon sa mga pagtitipung pamgkumunidad gayong pupuwede naman silang manahimik na lang sa kanilang mga tahanan at magpahinga o manood na lamang ng telebsiyon sa maghapon.
Ang maliit na pananalapi ay ginagastos nila sa transportasyon, sa pananamit at maging sa mga tiket sa mga konsiyerto. Dagdagan pa ng karagdagang gastusin sa mga pangangailangan ng mga okasyon.
Dito sa Sydney napatunayan na ang mga senyor na kasapi ng mga kapisanan ay maaasahan para bumuo ng malaking bilang ng manunood sa maraming pagtitipon, lalong lalo na kung may mga naimbitang mananalita.
Sa Consulate General na lamang, ang mga senyor ang nagpaparami ng bilang ng mga interesadong mamamayan na dumadalo sa pagtitipon. Nakatututuwang pagkakaktaon na paminsanminsan ang mga senyor ang modelo sa pagdalo sa mga kaganapan.
Kapag ang mga senyor ang ating pag-uusapan ay hindi sila mahuhuli sa pagdalo sa mga pagtitipon at sa mga kasiyahan, maging ito man ay nakaka-aliw o kaya nakakatutulong sila sa ating kummunidad. At kung sa kanilang edad naman ang ating pag-uusapan, ayaw nilang tanggapin na sila ay matatanda sila at wala na silang magagawa sa kanilang buhay. Minimithi nila sa tuwituwina na makapag-ambag ng kanilang mga kaalaman o pakikisangkot. Upang maging tularan ng karamihan.
Para sa mga senyor ayaw nilang isiping matanda na sila at mahina na ang kanilang mga katawan. Sa kanila, ” Ang Kalabaw lamang ang tumatanda”.
Kaya kamakailan lamang ipinakita nila ang kanilang kasiglahan at lakas ang kanilang mga katawan na, kaya pa nilang maglingkod sa kapwa at lalong lalo na sa ating kummunidad.
Noong nakaraang Nobyembre 9 at 10 na lamang. nagkaroong ng Philippine Christmas Festival na ginanap sa Tumbalong Park sa Darling Harbour ng Sydney.
Dumalo ang mga senyor sa kasagsagan ng mainit na araw at sumama rin sila sa parada ng mga asosayon ng komunidand dito sa Sydney. Ang ibang senyor naman ay kasama sa mga nagpakita ng kanilang kakayahan sa ilang sayaw gaya na malapit sa puso ng mga senyor.
Ito ay hindi lamang pakikibagay, bagkus isang pakikibahagi ng aliw at ispiritu ng mga nakatatanda sa kalakhang komuniad.
Sino nga pa ang nagpapaigting ng interes sa mga importanteng pag-gunita ng mga bahagi ng kultura ng Australya sa gitna ng mga migranteng Pilipino. Hindi sila nahihiya na makipagsabayan sa pag-gunita ng All Souls Day at sa Melbourne Cup na maaring taliwas sa interes ng iba.
Subalit ang kanilang mga gawagawa sa loob ng kanilang mga asosasyon ay patunay ng kanilang paggalang at pasasalamat sa bansang Australya at sa kultura nito.
Sa ilang nakaraang pagkakataon, ipinagdiwang ng samahang Philippine Australian Society of Senior Citizens (PASSOC) ng Merryland ma pinangungunahan ng pangulo Ding Vergara ang All Souls Day.
Ipoinagdiwang din All Spuls Day ng Philippine Association Society of Senior Citizens (PASSCI) sa Fairfield sa ilalim ng presidente nitong si Jun Relunia.
Ang Sydney Australian Filipino Seniors, Inc (SAFSI) ng Marayong sa ilalim ng presidentang si Teresita Hermoso ay nagdiwang ng mga araw ng kapanganakan ng ilan sa mga kasapi nito.
Sinong mag-aakalang nababagabag sila sa kanilang pagtanda?
Hindi po ang mga Senyor dito sa Australya.
Leave a Reply