Ang Fair Work Ombudsman ay nakakuha ng $37,500 na mga multa sa korte matapos bayaran ang isang katulong (domestic worker) at yaya sa Sydney ng kakulangan na $93,235 sa isang taon.
Inatasan ng Pederal na Hukuman ang taga-empleyo na si Kit Antony (Tony) Lam na magbayad ng mga multa na $32,500 at ang kanyang dating asawa na si Ming Wei (Tiffanie) Tong na magbayad ng $5,000 na mga multa.
Inamin nina G. Lam at Ms Wong na ang babaeng empleyado ay nagtrabaho nang hanggang 82 oras bawat linggo habang naka-empleyo siya sa pamilya sa pagitan ng Mayo 2016 at Mayo 2017.
Ang empleyado, na may edad na 26 nang nagsimula sa kanyang trabaho, ay isang mamamayan ng Pilipinas at ang kanyang pagtatrabaho kina G. Lam ang kanyang unang trabaho sa Australya. Siya ay nanirahan kasama ang noon ay mag-asawa pa at ang kanilang dalawang maliliit na anak sa Sydney CBD sa buong panahon ng kanyang pagtatrabaho.
Binayaran ni G. Lam ang manggagawa ng 40,000 pesos na salapi ng Pilipinas bawat buwan sa kanyang account sa bangko na nakatalaga sa Pilipinas. Sa tagal na 12 buwang pagtatrabaho, ito ay katumbas ng kabuuang $12,574 dolyar ng Australya.
Sumang-ayon ang mga partido na sa ilalim ng Miscellaneous Award 2010, dapat na nakatanggap ang empleyado ng katumbas na $105,809 na Australyanong dolyar para sa mga oras na nagtrabaho. Inamin ni G. Lam na ang mga halagang ibinayad sa empleyado ay nagresulta sa kakulangan ng pagbabayad ng mga base rate at ng penalty rate, kasama na ang mga kailangang bayaran para sa mga oras ng madaling-araw at gabi, mga oras ng obertaym at mga pista opisyal.
Sinabi ng Fair Work Ombudsman na si Sandra Parker na ang kaso ay nagbibigay-diin sa mga kahihinatnan kung ang mga taga-empleyo ay nagpapatrabaho nang hindi makatuwirang oras sa kanilang mga empleyado.
“Ang tindi ng mga kakulangan sa pagbabayad sa kasong ito ay partikular na nakakabahala para sa Fair Work Ombudsman. Itinuring namin ang empleyado bilang isang madaling mapagsamantalahang manggagawa sapagkat bago lang siya sa Australya, naninirahan sa kanyang tagapag-empleyo, at hindi nalalaman ang kanyang mga karapatan sa lugar ng trabaho,” ayon kay Ms Parker.
“Inuuna ng Fair Work Ombudsman ang mga bagay na kinasasangkutan ng mga madaling mapagsamantalahang manggagawa, kasama na ang mga manggagawang migrante at patuloy itong gagawa ng aksyon sa korte upang matiyak na ang mga tagapag-empleyo ay mananagot. Ang mga manggagawa na may mga alalahanin tungkol sa kanilang suweldo, mga oras ng trabaho o mga karapatang makukuha ay dapat makipag-ugnay sa amin. “
Nagkasundo ang mga partido na ang empleyado ay hindi makatuwirang nagpapatrabaho ng mahigit sa 38 oras bawat linggo na isang paglabag sa Pambansang Pamantayan sa Pagtatrabaho (National Employment Standards) ng Fair Work Act, at si Ms Tong ay kasangkot sa partikular na paglabag na ito. Mayroon ding mga paglabag sa taunang bakasyon, pagtatabi ng rekord at pay slip.
Lahat ng mga kakulangan sa pagbabayad ay naitama noong nakaraang taon, tatlong taon matapos tumigil sa trabaho ang empleyado.
Sinabi ni Justice Nye Perram na ang mga paglabag (contraventions) na nauugnay sa kakulangan ng mga pagbabayad at ang pagtatrabaho ng “sobrang” oras ay “sadyang seryoso”.
“Ang pag-uugali ni G. Lam ay sinasadya niya sa dahilang nagpasya siyang kumuha ng katulong sa bahay at yaya mula sa ibang bansa at binayaran ito nang hindi naaayon sa balangkas ng regulasyon sa Australya,” ayon kay Justice Perram.
Ang FWO ay mayroong kasunduan sa Department of Home Affairs kung saan ang mga may hawak na visa ay maaaring humingi ng aming tulong nang hindi natatakot na makansela ang kanilang visa. Tingnan ang impormasyon para sa mga manggagawang may hawak na visa. Ang mga tagapag-empleyo at empleyado na nangangailangan ng tulong ay maaaring bumisita sa www.fairwork.gov.au o tawagan ang Fair Work Infoline sa 13 13 94. Ang serbisyo ng interpreter ay makukuha sa 13 14 50. May alam ka bang isang lugar ng trabaho na hindi gumagawa ng tama ngunit ayaw mong masangkot? Isumbong ito nang hindi ka nagpapakilala – sa iyong
Leave a Reply