Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
SAFSI

Matiyagang mga senyor sa loob ng kanilang mga tahanan

Patuloy ang paghahalamanan at pag=aasikaso sa bahay ng mga senyor sa kalagitnaan ng COVID-19.

Hindi pa rin gaanong nakakalabas ng mga bahay ang mga senyor bagamat magandang balita ang nagmuula sa pamahalaang NSW. Lalong lalo na sa mga senyo na walang sariling sasakyan.

Nag-relax na ika nga ang ilan sa mga pinaghihigpit na kautusan sa paghahalubilo ng mga tao, gaya ng itinaas na bilang ng mga mamamayan na puwedeng magbisita sa ibang maybahay o kaya sa pagbibita sa mga restawran.

Inaasam asam pa rin ng mga senyor ang pisikal na pagpupulong. Ibang iba pa rin itp sa mga makanakanakang pagtawag sa telepono.  Mabuti naman at sa mobile phone puwede mong maaninag ang iyong mga kaibigan. Subalit iba ma talaga kung buhay ang iyon kausap sa iyong harapan.

Nakakaala tuloy sa mga ilang pagtitipong nagyararib ago dumating ang COVID-19 epidemya. Nakapagpalubag ng kalooban ang ilang coveragesa potograpya na ginawa ng inyong lingcod sa mga samahang pangsenyor dito sa Sydney.

Ang ilan dito at tungkol sa  mga pangyayari sa smahan ng Philippine Australian Society of Senior Citizens (PASSCI)  sa Fairfield na pinangungunahan ni Jun Relunia and Linda Bares Alvarez, nu Sydney Australian Filipino Seniors Inc. (SAFSI) SA Maraylong sa lialim ni Teresita Hermosa at Erlinda Nweisser, at ng Association of Golden Australian Pilipino Inc (AGAPI) NG Rooty Hill, sa pamumuno no Dorothy del Villar at Lloti dela Laroya.

Ingat kayong lahat mga kapatid, kapamilya at kapuso.