Sinulat ni NARDS PURISIMA – Sa panahon ng COVID – 19 lahat kaming mga senyor ay bawal lumabas sa aming mga tahanan o bahay.
Kaya binuhos namin ang pansing o sarili sa mga bagay- bagay sa aming mga tahanan,
Wala kaming magawa kundi ang namumukod tanging asikasuhin ang pag-gagarden sa paligid ng aming bahay dito sa KCL Merrylands area.
Gaya ang ating nakikita natin sa larawan, sa lubos-lubosan ang pag-aalaga namin sa aming mga halaman Ang mga ito ay malulusog at nakaka-aliw tingnan. Masasaya at masigla kami sa paghahalamanan habang pinag-mamasdan namin ang aming mga halaman sa araw-araw.
Ang mga larawang kalakip ay ilan lamang sa mga pinagpipitagan namin. Sa harapan ng aming bahay ay ang bulaklak na puti na nagngangalang enchanted lady. Io ay bumubuka kapag gabi at napakabango .
At dito naman sa tagiliran ng aming bahay matatagpuan ang mga ay mga roses. Sa bandang likod naman ay mga namumungang punong kahoy o fruit trees gaya ng bayabas, calamansi , mangga at mga gulay din gaya ng segariilas, bataw pechay kamatis at iba pa.
Kaya itong lahat ang aming ginagawa o ipinagkaka-abalahan patuloy naming gagawin habang nakikibaka tayo sa problema ng Coronaviirus.
Sa aming mga kaibigang Senyor diyan, maghalmanan tayo sa ating bakuran. Ingat..
Leave a Reply