SINULAT NI NARDS PURISIMA – Masaya ang buhay ng mga senyor dito sa Australya pagdating ng Pasko.
Ang natatanggap na biyaya mula sa pamahalaan ng mga senyor ay nakatutulong sa pamimili ng mga regalo para sa kamag-anak lalong lalo na sa mga apo.
Ang iba namang regalo ay patungo sa Pilipinas. Kahon na tinatawag na “balikbayan box” ang nasa isipan ng mga senyor upang ipadala sa mga kamag-anak na naiwan pa sa Pilipinas
Ito ay upang mapasaya ang mga kamag-anak Sa iba namang wala ng kamag-anak sa Pilipinas . ito ang ginagawa nilang dahilan upang magkitakita tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre.
Ang pagtitipontipon ng mag-anak sa buwab bg Disyembre ang minimithi nila dito sa Australya.
Ito ang panahon ng bakasyon ng mga batgang mag-aaral ant ng kanilang mga magulang na bakasyon sa kanilang mga trabaho.
O kaysayang masdan kung samasama ang mga mag-anak sa pamamasyal. pagkain sa isang hapag o maging sa pagkanta ng Christmas carols at pagsayaw sa mga tugtuging pamasmasko.
Kamakaylan lamang parang isang malaking mag-anak ang paggunita ng kapaskuhan ng samahang Kapit-bahayan Cooperative Ltd na ginanap pa mandin sa bakuran ng aming cooperartive housing compound sa Robertson Street dito sa Merrylands.
Napunta sa isang kasayahan kasabay ng pasinaya ng mga bagong halal na pamunuan ng Kapit-bahayan cooperative.
Ang pagbabago ay hindi lang kailangan ng bagong dugo ng pamamahala. Ang pagbabago ay nagbibigay din ng panibagong lakas o naiibang paningin sa hinaharap. Upang tugunan ang pagkukulang o kaya pag-ibayuhin ang mga paraan at gawigawi tungo sa matagumpay na pagtahak sa hinaharap.
Mapalad ako bilang isa sa mga nabiyayaan na maging kasapi ng isang housing cooperarive dito sa Sydney. Sa samahang Kapit-bahayan Cooperative nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng affordable home at makilahok sa mga proyekto ng kooperaiba.
Ang KCL ay isa sa mga matibay at patuloy na namamayaning kapisanag pangkumunidad dito sa Western Sydney, o baka sa buong Australya pa. Ang KCL ay isang tularan na kung saan ang mga senyor ay patuloy na nakakapag-ambag ng kanilang mga nalalaman at kakayahan para sa pamayanan.
Hanggang maari ang KCL ang siyang gumagawa ng mga malilit na maintenance ng KCL compound, gaya ng paglilinis at pagpapaganda ng kapaligiran gaya ng halamanan.
Kamakaylan lamang ang mga nahalal sa pamunuan ay sina G. Ruben Amores, Pangulo; – G. Rafael Amarille Property Mentainance Officer, Len Tolentino Secretary. Florencia Barton, Treasurer, Delia Purisima Internal Auditor at Aaliyah Yco Tenancy officer.
Ipinakilala sa balana sa nakaraang Christmas Party ng KCL na ginanap sa aming abang compound sa Robertson Street sa Merrylands dito sa NSW. Nakakatuwa ang ang kaganapan na dinaluhan pa mandin ng mga pinagpipitagang pinuo ng pamahalan at ng komunidad,
Dumating ang kagalanggalang na Consul General Azzedi Tago na nagpaunlak ng ilang salita tungkol sa impresyon niya patungkol sa KCL. Ang matagal nang kaibigan ng mga Filipino at ng KCL na si G. Laurie Ferguson, dating Member for Werriwa. Masigabong tinanggap din si G. Nick Sabel ang ehekutibo ng NSW Equity ang pamunuan sa pamahalaan na nagtataguyod ng pinansiyal na tulong sa mga housing cooperative. Nadoon din ss Vivien Nguyen ng Housing Alliance.
Nagbunga ang mga araw na pagpaplano, at pagsasagawa ng mga bagaybagay tungkol sa Christmas Party. Matagumpay na nairaos paggunita ng ng kapaskuhan sa maliit naming kapitbahayan dito sa Merrylands Kapit-bahayan compound. Ang simoy ng kapaskuhan ay tunay nanaranasan sa kapaligiran.
Leave a Reply