SINULAT NI NARDS PURISIMA
Tayong mga Pilipinong senyor sa Australya ay maraming kaugaliang namana pa sa ating mga ninuno tungkol sa pagdating ng Bagong Taon.
Mga kaugaliang namana pa ng ating mga magulang mula sa kanilang mga nakatatanda at mga magulang noong kabataan nila.
May mga paniniwala na nagkaroon ng kaganapan sa kanilang buhay Ang iba ay tungkol sa kalusugan at kaginhawahan . At patuloy ngang pinaniniwalaan, halimbawa nang mga nabubuhay na malakas at malinaw ang paningin hanggang sila ay imabot ng 96 taon gulang.
Ang iba pa nga ay nakakapaglakbay nang mag-isa papunta or palabas sa Australya.
Marami ang nanniwala na sa pagsapit ng bagong taon, ay dapat sag mag-suot ng pananamit na may disenyo o hugis na bilog bilang mabuting pasinaya sa pagdating ng bagong taon. At karamihaan ay hindi nakakalimutan na maghanda sa hapag-kainan ng mga pruta na hugis bilog at ang paghahanda ng masasarap na pagkain bilang pagsalubong ng bagong taon.
At kung kakayanin at may kaligtasan ay ang pagkakaroon ng gamit namagdudulot ng ingay kagaya ng paputok o kwitis na nagbibigay ng sariling ingay sa paligid sa kanilang bahay.
Ayon sa mga kagawian tunwing Bagong Taon, ang hugis na pabilog ay simbulo ng pera, at kayamanan at ang pagkain ay simbulo ng kalusugan, sa darating na taon. Ang mga paputok naman daw ay magdudulot ng kasayahan at kaginhawaan sa kanilang buhay sa loob ng isang taon.
Ngunit huwag din nating kalimutan ang magdasal. Pasalamatan natin ang Panginoong Diyos bukod tangi sa mga pagpapala na natanggap natin sa Kanya ng nakaraang taon.
Mapasalamat tayo sa mahabang buhay na ibinibigay sa atin at ang kalakasang natatanggap natin upang ipagpatuloy natin ang paglilingkod sa kapwa lalong-lalo na sa ating mga anak at mga apo.
Ipanalangin natin na ang mga senyor ng kumunidad ay patuloy na pagbibigayan ng respeto, pagpapahalaga at pagmamahal ng mga nakababata sa kanila, lalong lalo na ng kanilang mga anak at apo.
Magandang isa-alang-alang alang ng mga mamamayan na kung hindi dahil sa mga senyor, mahirap nang hubogin ang mga supling bilang mabubuting mamamayan.
Ang kaginhawahan at kasiyahan sa buhay na ating tinatamasa sa ngayon ay dulot na rin ng mga sakriipisyo at pagpaparaya ng mga magulang.
Ang mga larawan kamakailan lamang ang mga senyor ang kanilang kasiglaan at kasiyahan sa kanilang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon kasama
Ang buong pamilya,magkakamag-anak, magkakaibigan at ganon din sa kanilang pagdiriwang sa kanilang samahanng mga senyor.
Isang ang patutuo ng mga senyor ay ang pagnanais ng pagbabago sa mga gawigawi sa buhay upang magdulot ng kasayahan sa bagong taon.
Gaya ng sinabi ng paboritong hmig tuwing Bagong Taon, “Tayo ay magsikap upang makamtan natin ka-sa-ga-na-an !
Ang isa pa ay kung mayroon mga tayong ugali o gawain na hindi maganda sa ating kapuwa, ay baguhin natin ang mga ito.
At para naman sa ibang mga anak na masyadong abalang-abala sa paghahanapbuhay at nakkaligtaan na ang kanilang mga senyor namagulang, ang Bagong Taon ay pagkakataon na suriin ang mga gawaing ito.
Ang mga senyor na maguang kadalasan ay marami nang nararamdaman mga sakit sa kanilang katawa. Hinihiling lang sana mga ibang senyor sa kanilang mga anak na dagdagan pa ang kanilang pagtingin at, pag-ala-ala para sa lalong masaya at kaibig-ibig na Bagong Taon..
Leave a Reply