Nards Purisima DAIGDIG NG MGA SENYOR – Alam ba ninyo na ang pagmamahal ng mga anak sa kanilang mga magulang ay lubos na nagbibigay ng kasiglaan at kaligayahan sa kanilang buhay? Kaya ang ibang senyor ay nakakaabot sa edad na 90 o higit dahil sa pagmamahal ng kanilang mga anak, gaya ng nakikita natin sa larawan malalakas at masisigla pa silang lahat.
Dumating na naman ang buwan ng Pebrero ang Araw ng mga Puso. Dito masusubukan at masusukat ng mga ibang senyor kung gaano sila kahalaga at mahal ng kanilang mga anak. Ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang sa mga mag-asawa at makasintahan, kundi tayong lahat ay magmamahalan bilang magkakapatid, magkaka-pamilya at magkakaibigan dahil tayong lahat ay Pilipino.
Kamakailan sa samahang senyor ng Filipino Forum ng Merrylands, may isang inang nagdiwang ng ika- 75 kaarawan na binigyan ng kaunting salu-salu ng kanilang samahan at mga kaibigan. Pagkatapos mayroon pang surprisang inihanda sa kanya ng kanyang kapatid at mga anak na hindi niya inaasahan. Hindi niya alam na kinausap ng kanyang kapatid ang mga anak na nasa ibang bansa na darating sila dito sa mismong kaarawan ng kanilang ina na hindi niya nalalaman.
Kaya pagkatapos ng salu-salu sa kanilang samahan, namasiyal muna silang magkapatid, bago tumawag ang kanyang anak na dumaan muna sila sa kanilang bahay. Bago sila dumating nakahanda na silang lahat kasama ang kanyang dalawang anak na galing sa ibang bansa, boo na ang kanyang pamilya na naghihintay sa kanya. Kaya pagbukas niya ng pinto sabay sabay silang lahat kumanta ng Happy Birthday at sabay halik ng mga anak, apo at mga kaibigan. Napaiyak siya sa lubos niyang kaligayahan. Hindi niya inaakalang magagawa ng kanyang mga ang ganitong pag-ala-ala sa kanyang kaarawan.
Alam ba ninyo kung sino itong inang umaapao ng kaligayahan? Walang iba kundi ang aking kaibigan Ludy Acusa, ang kanyang mahal niyang kapatid si G. Ding Vergara at mga nagmamahal na mga anak ay sila evelyn, Philip at Rey. Sabin g mga anak ginawa nila ito sa kanilang mahal na ina bilang pagpapasalamat o kapalit sa pagod at hirap na kanyang dinanas noong sila ay maliliit pa hanggang lumaki at nakatapos sila lahat sa pagaaral. Laging nakatanem sa kanilang isipan na kung hindi sa kanilang mahal na ina ay hindi nila nakamtan ang kaginhawahan sa kanilang buhay sa ngayon. Ito ang mga anak na marunong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang.
Dito sa samahan ng mga senyor hindi lahat ay masasaya mayron parin malulungkot ng buhay lalo na yong hindi dinadalao ng ibang anak ang magulang kapag dumarating ng ganitong pagdiriwang kahit tawagan man lang sa kanilang telepono at kukumustahin lang ang kanilang kalagayan. Para sa mga ibang anak na masiyadong abala sa mga ibang gawain ngayong Araw ng mga Puso nag aantay sila upang kumustahin.
Leave a Reply