Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
SAFSI Senior Citizens

Tayo nang magsaya ng sama-sama

SINULAT NI NARDS PURISIMA  – Matamis at mapait (bittersweet) kung ikaw ay magmumunimuni tunngkol sa Araw ng Mga Ama na pinagdiriwang dito sa Australya tuwing Setyembre.
Ito ay araw ng pagpapahalaga sa ating mga kalalakihan na minabuting mamuhay na may mag-anak at kadalasan ay may mga apo pa sa kinahapunan ng ating buhay.
PARA BANG nanonood ka ng rekuerdo ng iyong buhay mulang pagkabata, pagbinata, nang mag-asawa ka at nagkaroon ng supling hanggang sa mga panahon na pinagpapatuloy mo ang istorya sa pangkasalukuyan. Kaayaaya at kalugud-lugod at may bahid na rin ng kapaitan pag-naaalala natin ang pinagdaanan.
Salamat na lamang dito sa Australya na sa tuwing sasapit ag Araw ng Mga Ama, dito sa aming kapisanan ng mga Senyor ay samasama kaming mga Senyor na nagdiriwang. May kunting handaan, kung minsan may sayawan at may programa at may inaanyayahang panauhing tagapagsalita.
MASISIGLA at masasaya silang lahat at kasama na rin ang lahat na may kaarawan sa araw ng mga ama. Itong pagdiriwang na ito ay nagpaala-ala sa kanilang lahat ang mga nakaraan nila at gusto rin nila ibahagi o ipaalam sa kanilang mga anak at sa mga kabataan na nandito na sa Australya, ang mga mahalagang tungkulin ng isang ama at Ina sa kanilang buhay.
Ang tungkulin ng isang ama at Ina sa ating buhay ay mahalaga, dahil ang ating ama ay nasisilbing halagi sa ating tahanan o pamilya.
Kung ihahambing natin sa isang bahay, kailangan matibay ang kanilang kalooban, kahit may dumarating na mga pagsubok sa kanilang buhay ay palagi silang matatag ang kanilang kalooban.
ANG ATING INA naman ay nagsisilbing ilaw sa ating tahanan na nagbibigay liwanag sa ating buhay. Kaya ang ating ama at Ina natin ay marami silang ginampanan mahahalagang tungkulin sa ating buhay, simula sa ating kabataan hanggang tayo ay nagkaroon ng matatag na kaiisipan.
Ang ating mga magulang ay sila ang nagpakahirap at ginawa nila lahat ang kanilang makakaya upang tayo mabigyan ng maganda at maunlad na kinabukasan sa ating buhay.
Kaya lahat na kaginhawaan na ating tinatamasa o nalalasap sa ating sa ngayon ay bunga ng kanilang paghihirap at pagsusumikap noong kalakasan pa nila.
Para sa mga anak na buhay pa ang kanilang mga magulang ay pag isipan natin Mabuti kung paano natin sila mapaligaya ang ating mga magulang habang sila ay nabubuhay.
Tandaan natin ang ating kasabihan, “ Aanuhin mo pa ang damo kung Patay na ang Kabayo”. At laging tandaan mga anak, ang anak na nagmamahal sa magulang ay Pagpalain ng Diyos habang buhay