Sa samahan ng mga senyor SAFSI sa lugar ng Blacktown, mayroon na namang isang inang senyor ang umabot ng 100 taong kapanganakan.
Kaya maituturing na mapalad ang taong 2013 dahil dalawa na ang Pilipinong senyor na umabot ng 100 taon gulang at sila ay masisigla at malalakas pa.
Ang unang nagsentenaryong senyor si Gng Pablo Calonia ng samahang PASSCI sa Fairfield na nagdiwang ng ika-100 taong kapanganakan kamakailan lamang at ito ay nakalathala rin sa Bayanihan News noong nakarang buwan.
At ang pangalawang nagdiwang ng 100 taong kapanganakan ay si Gng. Julia Serra noong May 20 sa samahan ng SAFSI na binati ng kanyang mga kaibigan at kamag-anakan.
Dahil sa kahalagahan ng araw na iyon, ang samahang SAFSI ay nagkaroon mga salu-salo. At sabay nilang ipinagdiwang ang Mother’s Day at Birthday celebration kaya lahat ng ipinanganak sa buwan ng Mayo ay may daladalang pagkain nang sila ay dumating sa nabanggit na selebrasyon.
Sa nabanggit na pagtitipon, binigyan rin ng parangal ng kanilang kasamahan dahil umabot siya ng 100 taong gulang at tinawag nilang sentenaryong Ina, habang sinasabitan siya ng laso ng kanilang pangulo G. Reyning Morris at Pangalawang pangulo Virginia Atienza.
Leave a Reply