Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Mga pamamasyal ng mga senyor

SINULAT NI NARDS PURISIMA –  Masaya ang mga senyor sa pamamasyal. Lalunlalo na kung sila ay samasama sa pagbibisita ng mga magagandang tanawin at magagandang lugar dito sa NSW,

At sa pagbabalik ng maraming bagay sa normal pati na ang pagkakataon na pasyalan ang mga parke at magagandang lugar, masayang humahayo ang mga senyor. Ang kanilang mga samahan ay andap sa maraming pagkakakataon na puntahan ang ilang mga touris attractions dito sa Australia.

Dito sa sa Fairfield, NSW matatagpuan ang  samahang Philippine Australian Society of Senior Citiziens Inc. (PASSCI) sa pangunguna ni Jun Relunia. Ang Association of Golden Australian and Pilipinos, Inc (AGAPI) naman sa ilalim ni  Councilor Dorothy del Valle sa Mt Druitt. At sa Marayong, ang Sydney Australian Filipinos Seniors inc.,(SAFSI).

Nawa patuloy nang masawata ang pananalasa ng sakit na Covid-19. Upang patuloy na ang magagandang kaganapan para sa mga senyor.

Masaya na naman ang mga senyor sa pamamasyal. Puwede mo pa nga bang sabihing, ang pamamasyal at pagpapahalaga sa kalikasan at mga magagagandang lugar dito sa Australya ay gamut sa kalungkutan at maging sa mga nanghihinang kasukasuan. Puwede.

Ginagagawa ito ng mga senyor kadalasan sa kanilang  mga libreng panahon. Ang mamasyal kasama ang kanilnag mag-anak o kundi man ay nang kanilang samahan ng mga senyor.

Salamat sa maraming suporta at tulong ng pamahalaan. My mga programang panglumunidad ang pamahalaang NSW na isina-alang-alang tungkol dito. Maalala amg mga libreng konserto at palabas para sa senyor. Kamakailan lang ang pamahalang NSW ay nagdaus ng libreng pasahe sa transportasyon sat ren, bus at ferry. Naway na-enjoy ito ng ating mga kaibigang senyor.

 Kadalasan ang pagsasama-sama ng mga senyor at ang kanilang mga bidahan patungo  sa lugar na bibisitahin  ay bumubuo nang kanilang magandang araw.

Tunay nga naman na habang malakas pa ang mga senyor at ang mga tuhod ay di pa nagagapi ng kahinaan, tuloy tuloy lang ang sa mga  gawaing ito.

Maganda at mainam na ang mga senyor ay may kanikanilang mga network upang sila ay patuloy na makikipag-usap sa kanilnag mga kaibigan. Hindi nagiging malungkot ang buong araw kung sila ay may kumustahan at usap-usapan.

Sabihin na na ang nagnapapapalakas at nagapaplisto sa kanila ay ang aktibong buhay sa tuwituwina.

Pampalakas a katawan ang patuloy na pagiging aktibo sa araw-araw.

Ah, saan ng aba ang susunod na lakad? Eto ang madalas na kumustahan naming mga senyor kadalasan at ang pag-oorganisa ng aming mga lakad. Saan? At anong oras sa kinabukasan at iba pang detalye ang kadalasan naming pinag-uuspan sa gabi ap lang bago sa takdang ras ng mga kaganapan o lakad sa araw na iyon.

Pagpalain nawa ang bawat lakad at tanggapin nila ang patnubay ng Pangonoong Maykapal , kalakip na ng ng kaligtasan ng bawat isa sa  knilang mga lakad.