SINULAT ni NARDS PURISIMA – Dito sa Australia ay laging ipinagdiriwang ang Linggo ng mga Senyor tuwing sasapit ang buwan ng Marso.
Ganoon din ang pagpapahalaga sa iba’t-ibang lugar o bansa . Ang Linggo ng mga Senyor o Seniors Week ay isa sa pinakamasayang pagtitipon dito sa samahan ng mga senyo
Lalong-lalo na sa ngayon unti-unti na nawawala na ang COVID19 dito sa ating bansang Australya. Naging mahalaga ang linggong na ito sa mga senyor dahil sa kapanahunan nila, dito kinikilala ang mga nagawa nila sa kanilang mga pamilya upang ang kanilang mga anak ay maitaguyod na magkaroon ng mabuting kabuhayan at magandang na pamumuhay dito sa Australya.
Bilang mamamayan ng bansa ang mga senyor ay unang nagsipaglingkod sa ating lipunan at itinaya nila ang kanilang panahon at buhay upang gumanda at ipagtanggol ang ating bansa.
Sila ang ating mga magulang na maraming ginampanang tungkulin simula pa noong maliit pa ang kanilang mga anak. Sila ang nagpapakahirap na magtrabaho upang matustusan man lamang ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya para mapalaki at mapag-aral ang kanilang mga anak.
Ang mga senyor ang unang lumalapit sa atin kung magkaroon tayo ng problema at umaalalay sa atin.
Kahit saan man sila naroroon at nabalitaan na may karamdaman ang kanilang mga anak at apo ay lagi silang nakahandang lumapit at dumamay sa kanilang mga pamilya.
Lalong lalu na dito sa Australya, ang mga senyor ang tumutulong sa pag- aalaga sa kanilang mga apo, kung kailangan.
Ganyan ang pagmamahal ang mga senyor sa kanilang mga pamilya , kaya dapat natin unawain, suportahan at mahalin ang mga senyor dahil sila ang ating mga magulang.
Lagi natin tandaan ang ating kasabihang “Ang Hindi Marunong Lumingon sa Pinanggalingan, ay hindi makakarating sa Paroroonan” .
Kalakip nito ang ilang mga larawan ng kasayahan ng mga senyor sa kanilang mga samahang Association of Golden Australian Pilipinos, Inc (AGAPI) SA PANGUNGUNA NI Councilor Dorothy del Villar at ng samahang Sydney Australian Filipinos Inc (SAFSI) sa pangunguna ni Tresita Hermoso,
Sila ay masisigla at masasaya sa kanilang mga pagdiriwang na naganap na bawat samahan kamakailan lamang.
Ang ilan naman sa mga senyor ay kalahok sa pangangasiawa sa kooperatibang Kapitbahayan Cooperative Limited sa Merrylands. NSW.
Leave a Reply