Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Masayang-masaya sa darating na Araw ng Mga Ina

SINULAT NI NARDS PURISIMA –

Gawaing pangkumunidad ng mga senyor

Masayang masaya ang mga senyor dito sa aming samahan. Ito ay dahil nagbabadya nang mawala ang COVID-19 dahil sa karamihan ay ay tapos na silang nagpa vaccine para sa COVID19 at marahil tuloy-tuloy na naman ang dati nilang masasayang gawain.

Kaya ang mga opisyales ng bawat samahan ay nagkaroon  ng pagpupulong. Pinag-uusapan  ang kanilang pagdiriwang sa bawat buwan, gaya itong buwan ng Abril  na ipinagdiriwang ang ANZAC Day at Linggo ng mga Senyor o Seniors Week. 

Sunudsunod nilang pinag usapan ang buwan ng Mayo, na kung saan ipinagdiriwang  ang Araw Ng Mga lna o Mothers Day. Ito ay mahalagang araw upang pagpugayan ang ating mga lna sa pamamagitan ng pagdiriwang na parangal sa kanilang kapuripuring gawain sa lipunan.

Ang araw ng mga lna ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na gunitain ang kahalagahan ng isang lna sa ating buhay na hindi natin makakalimutan.

Ang isang ina ay may mahalagang papel na ginampanan sa ating buhay mula nang tayo ay ipinanganak hanggang nagkaroon tayo ang sariling pamilya.

Ang ating ina ay katulad ng isang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa ating buhay. Maraming ginampanan mahahalagang tungkulin sa ating buhay upang matiyak na tayo ay magkaroon ng mahusay  at malusog na buhay. Sapul  pa sa ating pagkabata, ang mga magulang na ina at ating mahal na ama ang nagbigay sa ating ang maganda at maunlad na buhay  na tinatamasa natin  ngayon.

Noong tayo ay mga paslit pa, sila ang nagbabantay sa atin lalo kapag tayo’y ay nagkakasakit. Nagbabantay, at nag-alaala at nagtitiis na hindi matulog upang tayo ay gumaling sa ating mga sakit.  Ang ating ina ang nagturo sa atin ng magagandang asal at ugali , tulad ng pagdarasal, paggalang sa kapwa, lalong -lalo na sa mga matatanda. Sila ang nagtuturo sa atin na magbigkas ng po at opo.

Sila ang nagpakahirap upang tayo ay makatapos sa pagaaral upang marating nating ang ating mga pangarap at adhikain sa buhay. Hindi natin mararating ang ating kinaroroonan sa  ngayon kung pinagkait ng ating mga magulang ang kanilang pagmamahal at pagpapalasakit.

Sabihin natin na natin na ang mga senyor ay mahalagang miyembro ng ating komunidad bagamat sila ay makaluma kung ihahambing natin sa mga kabataang Pilipino.

Sa kasalukuyang panahon, iba na ang pag-uugali nila sa ngayon. Nais ng mga senyor na maibahagi nila ang kanilang magagandang kaugalian at karanasan sa buhay bilang huwaran ng kanilang mga apo sa kanilang paglaki at pakikipagtunggali sa hamon ng buhay.

Kaya hinihiling ng mga senyor sa kanilang mga anak at apo, na sana ipagdiwang ang Araw ng mga lna o Mothers Day at bigyan ng parangal ang ating mga lna  na  nagbigay sa ating buhay at kalinga.

Sana magbigay tayo ng kunting panahon at gumawa tayo ng paraan upang mapapaligaya ang ating mga magulang sa araw na ito. At sa iba pang araw habang sila ay nabbubuhay.

Sa ibang dako, masayang nagaganap sa samahan ng mga senyors ang paggnita ng ANZAC Day, Linggo ng mga Senyor o Seniors Week  na kung saan ginanap ang pagtatanghal ng Premier Gala Concert sa Sydney  at ang Blacktown Seniors Concert  sa Bowman Hall dito sa Blacktown.