SINULAT NI NARDS PURISIMA – Dito sa lupang ating ginagalawan lahat ng bagay ay may hanganan.Katulad rin ng ating buhay na mayroon din katapusan.
Kaya ang payo ng mga senyor lalo na yong nakakatanda sa atin, habang tayo”y nabubuhay pa dito sa ibabaw ng lupa lalong-lalo na ngayon panahon ng COVID19, o Pademic, kailangan natin magpakita tayo ng pagmamahal sa ating kapwa. kailangan nating magpakita tayo ng kabutihan , magkakaisa tayong lahat, magtulongan at gumawa tayo ng mga mahahalagang bagay sa ikakaganda, ikakasaya at ikakabuti sa ating samahan lalong-lalo na sa ating lipunan o kummunidad.
PHOTO – Pagkikita ng management committee ng Kapit-bahayan Merrylands sa harapan ng bakuran ng bahayan ng KCL sa Robertson St, Merrylands, NSW
At kung ikaw naman ang napiling pangulo o isang opisyal sa iyong samahan kailangan gumawa ka para sa ikakaganda at ikabubuti sa inyong samahan.
Hin panay pangsarili lamang.
Iyan ay mahalagang ala-ala tungkol saiyo saan kaman pumunta o ano mang panahon lalong lao na kung ikaw ay mawala kana dito sa lupa.
Kaya lahat na nagawa mong mga kabutihan ay mananatilti sa alaala ng inyong mga kaibigan,kasamahang at lalong- lalo na sa ating lipunan.o kummunidad.
Ganito ngayon ang ginagawa o ipinapakita ng mga senyor habang sila ay nabubuhay at malalakas pa.
Ang mga senyor ay nakahandang tumulong basta kaya pa nila. Hindi sila tumatanggi sa ikabubuti at ikasasaya ng kanilang samahan lalong -lalo na sa ating kummunidad.
Sa kabilang dako naman ngayon panahon ng Pademic ang mga senyor ay matagal na silang hindi nagkitakita at nagpupulong sa kanilang samahan.
Kaya sabik sila mingan kamakaylan lamang s pagtitipun sa tipanang The HUB sa Mt Druitt. Sa kanilang pagpupulojg sa nasabing lugar, ang maliit na grupo na kabilang sa Sydney Australian Filipino Seniors Inc (SAFSI) ay ay nagpulong sa pamumuno ni Mrs. Teresita Hermoso bilang Pangulo at si Pres. Erlinda Nweiser bilang pangalawang pangulo.
Kasama na dito ang management committee.
Sa ibang pagkakataon, nagpuong din ang Kapitbahayan Cooerative Limited, upang pag-ibayuhin ang pangangalaga ng kooperatiba at lahat na nag pangangailangan at pagmantini ng bakuran ng mga bahay at istraktura ng kooperariba.
Magndang pagkakataon ito na magpulong ang mga residente at miyembro ng kooperatiba lalaong lalo na ngayong panaon ng pandemya.
Ang mga nagsipagpulong at sina G. Ruben Amores, pangkulo ng KCL Merrylands at ang mga kasama ay sila Rafael Amarille, Delia Purisima, Florencia Barton, Aaliyah Yco at Len Tolentino .
Kasam sa mga napag-usapan ay ang pagsasa- aayos sa kanilang bahay at lalo na sa pag-aalaga ang kanilang mga halamanan. Isang kasayahan na saming mga senyor ana makita ang mga malulusog na halaman ksama na ang mga hitik na mga bulaklak at bunga ng prutas. Kayayaaya ding pagmasadan ang mga luntian at nakakaaliw na mga gulay at palamuting halaman.
Leave a Reply