Ni Dr Rogee Pe-pua
Natutuwa ako sa artikulo ni Ronald Manila sa nakarang isyu ng Bayanihan News kaya ginaganahan akomg sumulat din tungkol sa isyung ito.
Maraming mahahalagang punto ang aking sinang-ayunan, haimbawa, higit pa sa yo-yo at Kate Ceberano ang dapat kilalaning konstribusyon ng Pinoy sa Australya. Iba na ang ibig sabihin ng Australyan ngayon (multicultural); at mahirap palakihing tunay na Pinoy ang mg anak natin dito sa Australya. Mas tama nga sigurong tawagin silang Filipino-Australian o Australian at huwag nating pilitin silang maging Pinoy. Baka nga kapag hind sila pinipilit na maging Pinoy, lalo nilang ma-appreciate ang pagigigng Pilipino.
Dalawang punto naman ang nais kong ibahagi una, hindi asimilasyon ang hinihingi upang maging tunay na Aussie. Panglawa, Pinoy pa rin ang mga anak natin.
Ang lahat ng migranting katulad natin ay dumadaadn sa proseso ng pakikibagay sa bagong kapaligiran na katulad ng Australya. Ang iba sa atin ay naniniwalang dapat kalimutan ang sariling kultura at yakapin nang buong buo ang kulturang Australyano upang maging lubos na bahagi ng lipunang ito. Ito ay tinatawag na asimilasyon. Pero ang gobyernong Australyano na mismo ang nagbigay sa atin ng pagkakataon upang panatilihin ang etnikong kultura hapang ating tinatanggap ang kultura nila.
Ito ang modelong integrasyn na siyang batayan ng Multiculural Policy ng bansang ito. Samadaling salita, hindi tayong maasahang maging katulad ng mga Anglo-Australians. Bagkus, hinihikayat tayong pagyamanin lalo ang kulturang Australyan sa pamamagitan ng ating kontribusyon.
Haimbawa, sabi ko sa aking anak, “hindi kailangang maging ikaw ang magbabago para sa mga kaibigan mo. Puwede ring impluwensiyahan batay sa nakikitang maganda sa kaugaliang Pilipino. Halimbawa ang paggalag sa matatanda, ang pagpapahalag sa edukasyon, pagututlungan at iba pa.
Tototo dapat natin silang alalayan upang madebelop ang mga magagandang katangiang Aussie at ang mga skills o mga kasanayan na kailangan nila upang magtagumay halimbawa ang kahusayan sa pamamahayag ng opinion at kaalaman.
Pero hindi natin dapat ipagkait ang pagkaPilipino sapagkat bahagi parin ito ng kanlang heritage. Hindi sa pamamagitn ng asimilasyon kundi sa pamamagitan ng integrasyb ng dalawang kultura, :they will earn the respect we wan for our children as true Australians.” Sila ang kikilanling Australyan ng hinaharap – dala-dalang dalawa or higit pang kultura. Si G.Manila na mismo ang nagsalita “A blend of proper Australian and Filipino cultures can make them well balanced, dignified individuals. Our children can contribute to the cultural growth of Australia,”
Pero dito kayo matutuwa. Ang mga anak natin ay Pinoy pa rin!
Katatapos ko lang ng isang pananaliksik na kung saan pinasagot kong isang questionnaire ang humiigit-kumulang sa 120 mga kabataan na ang isa o parehing magulang ay Pilipino. Ang edad nila ay mula 12-20. Tinanong naming sila,”How do you think of yourself?’ 32% ang sumagot “As Filiino; 7% “As Australians’; at 61 % “As both.” Samakatwid , 93% ng kabataan sa pag-aaral na ito ang kumikilala sa janilang pagigiging Pilippino.
Sa mga sumunod pangtanong, ipinahiwatig nila na sila ay masaya at komportable, feel good” nagbibigy ng importansiya at meron nagbibigay ng “pride sa kanilang kulturang Pilipino.” Published Bayanihan News October 2000
Leave a Reply