SINULAT NI NARDS PURISIMA – Masaya ang buhay ng mga senyor na Pilipino dito sa Australia lalung- lalo na pagnagsamasama silang lahat namamasyal sa isang lugar o kaya kapag dumarating ang kanilang pagpupulong o kasayahan ang kanilang samahan.Larawan ng masisigla at masasaya . Ngunit magkakaiba ang kanilang kaligayahan na dinaranas sa buhay ng sarili nilang pamilya. Mayroon nakatira sa bahay ng kanilang mga anak at ang iba naman ay nakabukod sa kanilang mga anak at namumuhay ng sarili.
Ang mga nakatira sa kanilang mga anak ay masasaya dahil nagkakasundo at kapiling nila ang kanilang mga apo. May mga nakabukod naman sa kanilang pamilya ay masasaya rin , dahil minarapat nilang mamuhay na nagsosolo at mayroong sariling tahanan.Kasundo rin nila ang kanilang mga anak at apo, ngunit ang mahalaga sa kanila ay magkaroon sila ng sariling tahanan.
Isang dahilan kung bakit nais nilang mamuhay ng sarili ay para maiwasan ang anumang di nagugustuhang salita ng kanilang mga anak at manugang.
Mga salitang hindi magandang pakinggan . Kadalasan patungkol sa hindi na nilang kayang tumulong sa gawain sa kanilang bahay dahil sa kanilang katandaan ay mahina na ng kanilang mga katawan. At isa pang dahilan ay upang hindi mabago ang maganda nilang pagtitinginan ng bawat pamilya,,
Abg ibang senyor ay nagdisiyon na lang bumukod sa kanilang pamilya.
Sa kanilang pagsosolo sa kanilang bahay ay mayroon silang paboritong kanta para sa kanilang mga anak. Ito ang kanilang ina-awit kapag sila ay nasa bahay nila, at ang pamagat ay ” Kahit Kunting Pagtingin na Nanggagaling sa Inyo”
Kaya sa pamamagitan ng kulom na ito gusto ipaabot ng ilang mga senyor o kaya pakiusap sa kanilang mahal sa buhay lalong-lalo na sa mga ibang anak na masyadong abala sa kanilang mga gawain, na sana pagdating nila sa kanilang tahanan kahit anong oras ng gabi bago sila matulog kahit isang saglit lamang paki tawagan sana sa kanilang telepono upang kumustahin ang kanilang mga magulang, upang alamin ang kanilang kalagayan dahil karamihan ng mga senyor ay nagkakaedad na sila marami na sa kanila nagkakaroon na mga sakit ng katawan,
Nag-aalala sila na sa kanilang pagtulog ay sumpongin ng kanilang sakit at hindi na sila kayang tumawag ng saklolo sa kanilang kapit-bahay o kaya sa kanilang mga anak, sa panahon ng daglian pangangailangan .
Gaya kamakailan lamang isa naman kasamahang senyor ng pumanao o namatay na nag-iisa . Sa loob ng kanyang bahay nang bigla siyang sinumpog ng ang kanyang sakit at hindi na siyang nakayang tumawag ng saklolo sa kanilang mga kapit-bahay.
Nalaman na lang ng kanyang kapit-bahay na siya ay patay. at hindi man lamang nakausap ang kanilang mga anak bago pinawian.
Nakapanglulumo ang eksenang ito.. Kaya ito ang paki-usap ng mga senyor sa kanilang ibang mag anak na sana Kahit Kunting Pagtingin lang sana sa kanila.
Leave a Reply