Tulad ng nakagawian natin pagsapit ng buwan ng Marso ipinagdiriwang natin ang Linggo ng mga Senyor. Ito ay isa sa pinakamahalaga sa mga senyor. Kahit sa ibang panig ng bansa nagkakaroon din sila ng ganitong pagdiriwang upang kilalanin ang mga senyor, ang humubog sa kasalukuyang henerasyon.
Kaya ngayong Linggo ng mga Senyor o Seniors Week, ay nagkakaroon ng pagdiriwang ang mga Pilipino senyor dito sa Sydney na nakikita natin sa mga larawan na sila ay masasaya at masisigla. Kahit ang mga nakatungkod na masasakit ang mga paa, pagdating ng ganitong kasayahan ay nakipagsayawan sila at pansamantalang nakakalimutan ang lahat ng sakit sa kanilang katawan.
Ganito ang buhay ng mga senyor dito sa Australya. Masasaya, masisigla at malulusog sila, dahil sa lubos na pagsuporta ng gobyerno, gaya ng libreng pagpapagamot sa ospital kapag sila ay nagkakasakit. Ginagawa ng gobyerno ito bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga ginawa nilang kabutihan sa ating lipunan.
Ang mga senyor ang unang naglingkod sa ating lipunan. Marami silang ginampanang mahahalagang tungkulin upang gumanda at mapabuti ang ating bansa. At ang iba ay nagtaya ng kanilang buhay upang bantayan at ipagtanggol ang ating bansa.
Tuwing sasapit ang Linggo ng mga Senyor o Seniors Week maraming inihandang gawain at kasayahan ang gobyerno, tulad ng panonood ng libreng Gala Concert sa City, pamamasyal sa magagandang lugar at marami pang iba.
Sa ibang dako naman, kamakailan lamang, ipinagdiwang din ng bawat samahan ang Araw ng mga Puso o Valentines Day. Sa samahang PASSCI Fairfield may isang senyor ang umabot na ng kanyang ika-100 taon ng kapanganakan at siya ay nakakabasa pa at masigla ang katawan. Siya ay si G. Pablo Calonia na aming isusulat sa susunod na kolum ko sa Bayanihan
Leave a Reply