“Filipino: kaya o hindi kayang magka-isa?”
Nagpapasalamat ang mga Filipino sa pagtanggap sa kanila dito sa Australia, subalit namumutawi sa kanilang kaisipan ang pang-aapi sa mga manggagawang Filipino kung kaya umuusbong ang kaisipan ng pagkakaisa upang samasama at maging lakas sa lipunan, ito ang paunawa ni Ginoong Danny Peralta na siyang naatasang Lakandiwa.
Larawan – Balagtasan 2020 sa estasyon ng Radio 98.5 Triple 0 sa Burwood, NSW
Idinaos ng Tagalog Association of Australia (TAA , Inc. noong Lunes ng gabi 17 Agosto 2020 ang taunang Balagtasan kaalinsabay sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” tuwing buwan ng Agosto.
Napakinggan ito sa Radyo 98.5 FM 2 Triple 0 sa Burwood, NSW at pinalabas sa isang “Facebook Live” sa ilalim ng account ng Tagalog Association of Australia (TAA). Kaiba ito sa taunang kaganapan na itinataguyod ng ng TAA sa entablado.
Naganap ang Balagtasan sa diresksyon ni G. Eric Maliwat, isang dating brodkaster sa Maynila, at sa pahintulot ng pangasiwaan ng Radyo 98.5 FM Triple O na pinangungunahan ni G. Ross Aguilar.
Maari pang mapanood ang replay sa YouTube gamit ang search word Balagtasan Australia 2020.
Ang tumayong Lakandiwa na si Ginoong Danilo Peralta ay dating pangulo ng TAA. Ang mga nagtanggol sa panig na “Kayang magkaisa ang mga Filipino” ay si G. Rado Gatchalian, isang kilalang manunulat at lider pangkomunidad at si G. Cesar Bartolome, kasalukuyang pangulo ng TAA.
Samantala ang mga katunggali at nasa panig na “Hindi Kayang Magkaisa ang mga Filipino” ay sina G. Ross Aguilar, brodkaster ng Radyo 98.5 FM, haligi ng TAA, at si G. Eric Maliwat, manunulat at radyo brodkaster.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Kanyang Kagalingan Maria Hellen de la Vega na natataong paraan ang Balagtasan sa paglala-had ng ibat-ibang pananaw tungkol sa lipunan bukod sa pagpapabatid sa karamihan sa sa kayamanan ng kultura’t sining ng mga Filipino.
Ang pamunuan ng TAA sa 2020 ay binubuo nina G. Cesar Bartolome – Pangulo, G. Ross Aguilar-Pangalawang Pangulo ng TAA, Bb. Lillian de los Reyes-Pangalawang Pangulo Panlabas, Jinky Trijo Marsh-Kalihim,
Gng. Daisy Cumming-Kawani ng Ugnayang Pampubliko, G. Bert Magsakay-Ingat Yaman, G. Albert Nera-Tagasuri, G. Joey Gabriel- Tagapamayapa, G. Rolly Metierre nakaraang Pangulo, Gng. Cecille Aguilar,Patnugot, G. Jhun Morales-Patnugot at G. Obet Dionisio-Patnugot.
Ilan sa mga kasapi ng TAA na sina; Josie Peralta, Cristina Morales, Jeffrey Mendoza, Christy and Basil Pangilinan, Annabelle Regalado, Ellen Chan, Lianne Cabsaba at Liz Angeles. Sa Tagapayo na sina Dr Sir Floro Quibuyen, KCR; Councilor Najji Najar, Sir Ian Treacy at Dr. Aida Morden. Sa Legal Adviser na sina; Robert Balzola at Brett Hurley.
Hindi makakalimutan ay ang mga mambabalagtas na gumanap ng mga nakaraang taon na sina: Ka Obet Dionisio aka makatang sampay bakod, Max Lopez, Rolly Metierre, Albert Nera, Cecille Aguilar, Daisy Cumming, Tessie Cayanan.
Pasasalamat din sa sponsors na laging tumutulong sa Balagtasan; Ma. Aileen Labiga, Manager ng Invocare Memorial Parks and Garden at ang SMDC.
Leave a Reply