Annotated Poem in Pilipino:Celebrating 40 Years in Australia Pepito Carandang,Deer Park,Victoria, AUSTRALIA
AUSTRALIA
Apatnapong taon ang nakaraan, Magmulang sa Pilipinas ay lumisan Mag-anak at ako ay may kagalakan Sapagkat Australia ang patutunguhan.
Ngunit ano nga ba ang naramdaman nang umalis sa airport terminal? Dibdib kumakaba, boses gumagaralgal harap ang mga kamag-anak na kumakaway, Hayaan nang lumukso ang mga luha, abutin lang ang pangarap sa buhay Maging malayo man at salat na makasalu kamag-anak katoto at mga dating kaulayaw.
Ang buhay nga naman. Lulon ka ng malaking eroplano sa himpapawid Rumaragasa, hangin at plano sa buhay at pinagsasanib At pagdating sa lupa, mga bagong hamon – customs at Immigrations, Ilan lang sa bagaybagay na sa simula’s dapat bigyan ng atensyon.
Agam-agam ay hindi masawata, maging kami ay lumapag na Napalitan lamang eto ng bagong problema – made in Australya. Mga kamag-anak at sasalubong, darating nga kaya? Saan kami titira? Trabaho nga ba ay madaling makikita at makukuha?
Isa, dalawang taxi kaming mag-anak ay nagkasya Patuloy sa pag-aalala sa mga nabuksang alkansiya. Umasa na sa mga ngiti ng bagong kakilala, pinsan at kaibigan, Pasalamat sa Diyos, ngiti ng tadhana tunay ngang nasilayan.
Lumipas ang panahon, pawis at tiyaga ay pinagtiyap ng tadhana; Mga anak na nagsumikap sa pagbuno ng braso at talinghaga, Mga pangarap nagsibusilak, mga tagumpay na naramdaman Pasalamat sa biyayang umusbong at nanatili sa aming harapan.
Maunlad at matatag ang buhay dito sa Down Under Datapwat salat at malayo sa maga nagmamahal na kamag-anak, kababata at ibapa. O Diyos na mahabagin, pagpalain mo pa po at pahabain Itong buhay na hinain at inihanda mo para sa amin.
Sa loob nang apatnapong taon dito sa Australia Pinagpala kaming alalahanin ang Pilipinas sa tuwi-tuwina Ay, anong saya at ligaya pagdating ng panahong buhok ay puti na At yaring tuhod ay mahina na, tuwa’t kasiyahan ay pulsong pulso pa.
Sinulat ni Pepito Carandang., ng Victoria at isinaayos ng Bayanihan News
Leave a Reply