Isang bago at kauna-unahang programa sa Australya ay tutulong sa paglutas ng mga kakulangan ng trabahador sa pamamagitan ng direktang pagkokonekta sa mga estudyante mula sa ibang bansa (int’l students) sa mga tagapag-empleyo sa NSW – ang may pinakamalaki at pinaka-sari-saring ekonomya na estado ng Australya.
Sinabi ni Ministro Alister Henskens ng Enterprise, Investment and Trade na ang Pamahalaan ng NSW sa pamamagitan ng Study NSW ay nakikipagsosyo sa nangungunang merkado sa pagtatrabaho na SEEK upang magbigay ng programang NSW Jobs Connect for International Students.
“Mahigit 136,000 na mga ‘international student’ ay kasalukuyang nag-aaral sa NSW, nakikipag-ugnay sa mga lokal na komunidad at nagpupuhunan ng kanilang mga hinaharap na buhay, kaya mahalaga na suportahan natin sila habang nag-aaral at pagkatapos,” dugtong pa ni Ministro Henskens.
“Itong makabagong programa ay makakatulong sa mga estudyante na matukoy ang mga nararapat na pagkakataon sa pagkaka-empleyo at maiiugnay ang mga taga-empleyo ng NSW sa isang malusog, iba’t-iba at maasahang mapagkukunan ng kagalingan, na makatulong sa pagpapalago ng ekonomya at magbigay-katiyakan sa mas maliwanag na hinaharap ng NSW.”
Mula ngayong araw, ang platapormang SEEK ay may kasamang “#NSW Jobs Connect” filter na nakakatulong sa mga international student na madaling magtukoy sa mga pagkakataon sa trabaho na ipinaskil ng mga taga-empleyo, kabilang ang Allianz Insurance at Cancer Council NSW na mga kasali ng programa.
Ang pinuno ng Government Relations sa SEEK na si Kadi Taylor ay nagsabi na ang paunang programang ito ay nauuna sa lahat, na maaaring salihan ng mga iba’t-ibang taga-empleyo sa buong hanay sa mga sektor ng negosyo, kabilang na ang tungkol sa pananalapi, konstruksyon, pagawaan at teknolohiya.
“Maraming taga-empleyo ay hindi pa mulat na ang mga international students ay may mga karapatan sa trabaho habang nasa kanilang mga pag-aaral at pagkatapos at marami ang may karapatan na magtrabaho nang hanggang anim na taon kapag nakatapos na sila sa pag-aaral,” sabi ni Bb. Taylor.
“Itong programa ay tungkol sa pagsama-sama ng mga estudyante at taga-empleyo sa pamamagitan ng ating plataporma, ang mga personal na kaganapan, paglikha ng mga pagkakataon, at pagbibigay sa dalawang grupo ng karunungan at kasanayan upang magtagumpay.”
Ang pinunong opisyal ng Human Resources Office ng Allianz Australia na si Vicky Drakousis ay malugod na tumanggap sa bagong inisyatiba.
“Ang pagiging bahagi nitong programa ay nagbibigay sa amin ng pagkakataon upang masuportahan ang aming lumalagong negosyo sa pamamagitan ng pagkikipag–ugnayan sa isang buong pulutong ng mga may kasanayan, habang maaaring magbibigay ng mga mahahalagang pagkakakataon para sa mga mahahalagang karera sa mga ‘international students’. May kompiyensa kami na ang mga estudyante ay makapagbigay ng mga bagong pananaw at naiibang pag-iisip sa Allianz,” sinabi ni Gng. Drakousis.
Kung ikaw ay isang taga-empleyo sa NSW na interesadong makisali sa inisyatiba at sa pagkakalap ng mga international student at mga nagtapos, isumite ang iyong pahayag ng pagka-interesado dito.
Kung ikaw ay isang international student o nagtapos sa NSW at naghahanap ng trabaho, bumisita sa Study NSW upang malaman ang mga rehistradong negosyo na may mga kasalukuyan na bakanteng trabaho.
MEDIA: Miki Nicholson | 0477 089 657
Leave a Reply