SINULAT NI NARDS PURISIMA – Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo hindi nakakalimutan ng mga samahang ng mga senyor ipagdiwang Ang Araw ng mga Ina o Mother’s Day .
Itong araw na ito ay mahalaga sa kanila o sa kanilang buhay at ganun din sa ating lahat. Ang araw ng mga ina ay dapat lang ipagdiwang dahil sa kanilang maraming mahahalagang ginagampanan sa isang mag-anak.
Ang ating ina ay katulad ng isang ilaw na nagbibigay liwanag sa harap ng pakikibaka sa ating buhay. Tiyak na katulong sila ng ama ng tahanan. Ninanais nila ang mga katiyakan at kapanatagan na iitinataguyod ng isang magulang.
Ninanais nila ang magkaroon ng mahusay at malusog na buhay. Ang ating mga magulang ay ang nagtuturo sa atin ng mga magagandang asal at ugali noong tayo ay maliliit pa, tulad ng pagdarasal, pag amin sa kamay sa mga matatanda, lalong-lalo na sa kanilang lolo at lola .
Ang mga magulang ang nagpakahirap upang tayo ay makatapos sa pag-aaral at marating natin ang ating mga pangarap at adhikain.. Hindi natin mararating ang ating magandang kinabukasan kung ipinagkait ng ating mga magulang ang kanilang pagmamahal at pagpapasakit .
Sabihin nang makaluma at iba ang pag-uugali ang mga senyor kung ihahambing natin sa mga kabataan sa ngayon at sa kasalukuyang panahon. Subalit dapat malaman ng karamihan na gusto lang nilang ibahagi ang kanilang mga magandang kaugalian at karanasan nila sa buhay upang sila ay maging huwaran ng kanilang mga apo sa kanilang paglaki at pakikipagtunggali sa hamon ng buhay.
Kaya sa Araw ng mga Ina, hinihiling ng mga senyor sa kanilang mga anak at maga apo na pahalagahan nila nila mahalagang pamana na hindi masusukat ng ginto at salapi.
Sa Araw Ng Mga Ina bigyan natin ng parangal ang mga nagbigay sa atin ng buhay at pagkalinga.
Kaya mga anak pag isipan natin mabuti kung paano natin mapapa ligaya ang ating mga magulang habang sila ay nabubuhay pa . Ipadama natin sa kanila na mahal na mahal natin sila.
Huwag na nating gawin ito kung sila ay wala na at tanging malamig nga larawan sa kaban ng alaala. Mas mahalaga ang mga naipong mga damo pag buhay pa ang kabayo.
Pagpalain nawa ang balana ng mga ina ng samahan ng mga senyor na nagdididIwang ng araw na ito sa ilang lugar dito sa Western Sydney gaya ng Sydney Australian Filipino Seniors Inc (SAFSi) SA Marayong at ng Association of Golden Australian Pilipino, Inc (AGAPI) sa Rooty.
Pagpupugay ina Gng Dorothy del Villar pangulo ng AGAPI AT Teresa Hermoso pangul ng SAFSI. At kay Hill ang napiling Ina ng Taon o Mother of the year na si Gng. Mariana Uro. Pati narin ang mga miiyembro ng Philippine Australaian Society of Senior Citizens Inc (PASSCI) SA ILALIM NG PANGULONG Jun Relunia. Pagpupugay sa Mother of the Year na si Gng. Minerva Paguyo na umabot ng 100 taon kapanganakan at si Gng. Lettie Aguila.
Leave a Reply