Maalaala mo pa kaya? Eto ang katagang namumutawi sa ating kaisipan kapag iniisip ang nakaraan. At lalo itong pinatamis sa pagdiriwang ng mahalagang puwang sa ating buhay at sa buhay ng ating minamahal.
Pasalamat tayo sa Amang Diyos sa pinagkaloob niyang grasya. Maging sa ating katandaan. Sa kalakasan at tibay ng pag-iisip sa panahon ng takipsilim ng buhay.
Maligayang kaarawan sa aking kabiyak na si Delia. Katuwang ko siya sa maraming kabanata at pagsubok sa buhay. At ngayon ay nagpapasalamat ako na kasama ko siya sa pagharap ng kasayahan sa buhay.
Ang aking kabiyak ang nagdulot sa akin ng kaligayahan sap ag-aaruga ng aming mga anak. Katuwang ko siya sa pagpupunyagi upang maipagtaguyod ang aming mga anak. Ang kanyang debosyon sa pag-aalaga ng mga apo ay ganoon na lang.
Salamat sa aking maybahay sa aking pagkabuo ng pasensiya sa aking buhay. Sa mga pagkakataong muntik na akong sumuko o dili kaya’y sumilakobo, siya ang nagpapakalma sa king sarili. Minsan sa oras ng aking pagkukuminit ng noo o sa pag-int ng ulo, siya ang nagbibigay ng karampatang pang-unawa.
Walang pata ang buhay at buong buo at magaan ang hinaharap kapag ksama ko siya. At sa pinagpalang taong gulang na 80 isa siyang pagpapala ng Maykapal.
——– NARDS PURISIMA ay masugid na taga-ambag ng panulat tungkol sa mga Filipino senyor dito sa Sydney, Australia.
Leave a Reply