SINULAT NI NARDS PURISIMA – TUWING buwan ng Pebrero hindi nakakalimutan ng mga senyor and pagdiriwang ng Araw ng Mga Puso o Valentines Day.
Mahalaga ito sa ating buhay at lalo na sa buhay ng mga senyor. Sila na matagal nang panahon ay nahirati sa relasyon sa kapwa ta omul sa relasyon sa kanilang mga esposo at esposa pagkatapos ay relasyon sa kanilang mga supling at kadalasan ang relasyon sa kanilang mga apo.
Sa lahat ng situwasyong ito kailangang magijng eksperto ka sa larangan ng pagmmahal.
Ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang sa mga magkasintahan, mag asawa kundi para sa atin lahat. Kaya sa araw na ito dito natin masusukat at masusubukan sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kamahal sa atin bilang asawa, kapatid, kaibigan at lalong-lalo na sa atin mga anak at apo.
Para sa mga senyor ang pagmamahalan ng bawat isa ay malaking tulong sa kanilang kalusugan at kasiglahan ng kanilang mga katawan at pag-iisip.
Kaya kung magkakasama silang lahat mga magkakaibigan, magkakamag anak o kaya ang buong pamilya mamasyal sa mga magagandang lugar at kakain silang lahat ay masayang-masaya na sila, gaya ang nakikita natin sa larawan.
Kaya sa ngayon dito sa samahan ng mga senyor ay masayang masaya naman sila dahil pumayag na naman ang council ng bawat area magpulong mga grupo ng bawat samahan.
Sa Rooty Hill na kinasasakupan ng Blacktown Councuil, ang Samahan ng Association of Golden Australians and Pilipinos Inc (AGAPI) ay nagkitakita at naglanao ng kanilang mga gawain. Pinangungunahan ang AGAPI ng pangulo niton si Mrs Dorothy del Villar.
Pinag-usapan ng mga opisales ang kanilang mga pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Sa pagkakataong ito, sila ay masaya at masigla. Pakiramdam nila sila’y sumisila at humahaba ng kanilang mga buhay dahil spat ang pag-aalaga sa nila ng kanilnag mga anak at kumunidad.’
Isipin mo na lang na ilan sa mga smahan ay umaabot na sa edad na 99, 100 o 101. Ano pa ang aba nag maramramdaman mo sa ganitong pagdiriwang, kundi pasasalamay sa Maykapal at lubos na kasayahan.
Si Mrs Minerva Paguyo at 99 taong gulang at si Mrs Corazon Salvado ay 101 taong gulang. Purihin ang Maykapal.
Leave a Reply