SINULAT NI NARDS PURISIMA
SALAMAT sa ibat-ibang local government council sa pagpaphalaga nil sa mga senyor. Dumalo ang mga senyor sa mga gawain na itinaguyod ng mga council hindi lang upang pangalagaaan ang mga senyor at bagkus ay ipagdiwang ang mga senyor sa kanilakanilang lugar.
Noong nakaraang Disyembre, lumahok ang samahang Philippine Ausralian Society of Senior Citisens Inc. (PASSCI) sa pagdiriwang na itinaguyod ng Fairfield City Council. Kasama dito ang mga senyor na galing pa sa ilang Samahan ng senyor dito sa Fairfield.
Salamat sa pamumuno ng pangulo ng PASSCI na si Mr Jun Relunia at ang pangalawang pangulong si Mrs. Linda Alvarez Barnes sa pamamahala nila sa partisipasyon ng mg Pilipinong senyor. Masaya ang ginawang reception na kinapapalooban ng entertainment at masarap na piging. Maraming senyor ang natuwa at sumaya sa kasayahan. Nagkaroon ng libreng tiket ang mga PASSCI senyor sa konsyertong ginanap.
At doon pa nga nagkaroon kami ng pagkakataon na magkitakita at magbaliataan tungkol sa isa’t isa. Walang katulad nga naman ang personal na magbatian at makipag-usap sa isa’t isa.
Ang pagdiriwang naman ng Kapaskuhan at anibersaryo ng PASSCI ay maitututing na matagumpay. Andon ang karamihan sa mga senyor kaya nga ba masasaya ang karamihan na makadaumpalad pamuli ang mga kaibigan sa samahan.
Kabilang sa mga panauhin ng anibersaryo sina Konsul Emanuek Guzman, head of post ng Philippine Consulate dito sa Sydney, broadcaster Eric Maliwat, publisher Evelyn Zaragooza, at iba pa.
Mahalaga sa mga senyor ang paggawad ng mga certificate of appreciation sa mgs tumulong sa Samahan. Gaya ng natanggap ni Mrs Linda Alverez Barnes,
Sa kabilang dako, nagkaron din ng pagdiriwang ang Association of Golden Australian Pilipino Inc. (AGAPI) sa Rooty Hill na pinamumunuan ni Dorothy del Villar. Congratulation nga pala kay Dorothy na kamakailan lang ay nahalal na konsehala ng Blacktown Council.
Ganun din sa samahang Sydney Austrlaian Filipino Seniors Inc. (SAFSI) ng Marayong na pinangungunahan ni Teresita Hermos. Pinagdiriwang rin nila Christmas at ang paggunita ng kapanganakan ng ilan sa buwan ng Disyembre. Masaya rin silang tunghayan ang pahina ng Bayanihan News na kinapapalooban ng mga balita tungkol sa mga senyor.
Asahan natin sa taong 2022 mawawala na ang problema natin sa COVID at pagpapalain ang bawat isa.
Leave a Reply