Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Patuloy ang ugnayan ng mga senyor sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng internet

SINULAT NI NARDS PURISIMA – Salamat sa Facebook. Patuloy pa rin ang ugnayan ng mga senyor sa panahon ng panibagong restriction dahil sa pandemya.

Matagal na ring hindi makalabas sa kanikanilang bahay ang mga senyor. Mahigit na rin dalawang buwan hindi na sila nagkita-kita sa kanilang mga kasamahan, lalong-lalo na sa kanilang mga kaibigan.

 Kaya ang ibang  mga ibang senyor ay patuloy parin ang dati nilang ginagawa gaya ng pag-gagarden na nakikita natin sa larawan. Yong iba naman  ibat ibang bagay ang natutunan na gawin sa loob ng  bahay,. Marami ang natututong  gamitin angkanilang  mga cellphones, mobile phone o kaya computer.

Kaulayaw nil ang Facebook  sa pakikipag usap sa kanilang kasamahan at ang mga kaibigan. Sa ngayon ay marunong na  silang gumamit ng videocall, zoom at ang Facebook sa pakipag usap sa kanilang mga kaibigan at nakatutuwang  nagkita-kita sila habang sila ay nag-uusap. Sa ngayon ay bumalik na ang dati nilang kasiyahan dahil pwede na sila magkita-kita   kahit naka lockdown silang lahat. Ito ang kanilang mga masasaya nilang  larawan  bago silang ma lockdown.

 Dito sa samahang ng mga senyor kahit naka lockdown  patuloy ang ugnayan ng mga senyor. At  kung kailangan ang tulong ng bawat isa ay lagi silang nakahandang tumulong. Sabi nila tuloy lang ating pagdarasal sa ating panginoon,matatapos rin ang atin problema, ingat lang tayong lahat.                             At siyempre, ang kanilang paggagarden at pag-ani ng mga namumungang pananim, gulayan, ounongkahoy at mga bulaklak sa kanilang  halamanan