Hindi mapipigilan ang pagtanda sa ating buhay.
Lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, hindi maaalis sa mga senyor ang mag-alala sa pagdaan ng panahon. Nararamdaman ang panghihina sa karamihan. Maraming pagbabago sa pakiramdam habang lumilipas ang araw, buwan at taon. Damdam na damdam ang nagdaan na panahon. Tumatanda at naghihina. Nandiyan na ang pagiging makalililmutin, ang panghihina nag pandinig, panglalabo ng mga mata at iba pa.
Harinawa, sa pamamagitanng kolum na ito maiparating at maiparamdam sa ating mga may gulang nang mga anak ang mensaheng ito. Lalung lalo na sa mga anak na kasambahay ng mga senyoi sa ating lipunan.
Una, pakiusap sana sa ating mga anak na unawain at pagpasiyensahan ang mga tumatandang mga magulang dahil sa pagbabago ng mga datihang ginagawa ng mga senyor dahil sa panghihina ng kanilang mga tkatawan. Pangalawa, may mga sitwasyon na dinadala ng kalabuan ng kanilang mga mata gaya ng pagkahulog at pagkabaasag ng kagamitang pambahay,
Pangatlo, mga anak , intindihin ninyo ang panghihina ng aming mga pandinig at iwasan itong maging paksa nag pagpupuna at pagtutuya. Alalahanin niyo mga anak, na ang pag-uulit ng pagbigkas ng mga salita ay di dapat ituring na kapansanan, bagkus ito ay paraan ng paglilinaw. Pagpasinsiyahn niyo na ang pagiging makulit ng mga senyor.
Maalaalang sa nakalipas, maraming beses na nagpasensiya ang inyong mga magulang sa inyong kakulitan noong kayo ay mga paslit pa. Naalala mo pa ba noon.
Kapag gusto mong bumili ng laruan ay paulit-ulit mo rin sinasabi sa inyong mga magulang? Kinukulit mo rin sila hanggang hindi mo makuha ang gusto mo? Pinagtiyagaan rin ang kakulitan mo ninyo, sana anak, ganon din sa kanila ngayon.
Mga anak, pakiusap ko sana sa iyo na mahina na ang tuhod ng mga magulang, pagtiyagaan ninyo sana at tulungan tumayo , tulad rin ng pag-aalay sa inyo noong maliit at bata pa kayo. Maalala niyo pa ba o noong nag-aaral pa kayo at papunta sa eskuwela, lumalakad,at pinagtitiyagaang hawakan kayo at patnubayan ng inyong mga magulang mula pangnoong matoto kayong makapaglakad sa sarili ninyobng mga paa.
Sana ganon din sa akin ngayon anak ang pag-aalalay mo sa akin sa mga panahong ito.
Huling pakiusap anak, sana kapag dumating na ang sandali na akoy magkakasakit at maratay ako dahil sa malubhang karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan hanggang sa huling sadali ng aking buhay.
Hawakan mong mahigpit ang aking mga kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob upang harapin ang aking kamatayan.
Payo ko sa ibang anak na hindi pa nila naipapamalas o masyadong naipapakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang: habang buhay pa ang mga magulang ay pag-isipan mabuti kung paano natin sila mapapaligaya. Huwag natin ninyong antayin pa ang huling araw nila sa mundong ito upang ipadama sa kanila ang inyong tunay na pagmamahal.
Tandahan natin ang ating kasabihan, ” Aanuhahinpa ang damo kung patay na ang kabayo.”
Sa ibang dako naman ating pag-uusapan kung tungkol sa COVID19 ay ganon parin ang ating kalagayan. Hindi pa bumabalik ang dating palagay na damdamin ng mga senyor. Natatakot parin silang lumabas sa kanilang bahay. Kaya patuloy parin ang kanilang dating mga ginagawa sa pag aayos sa kanilang bahay gaya ng ng pag-gagarden sa harap at likod ng bahay.
Ito ang nagbibigay aliw at paglilibang sa ating mga senyor.
Gaya ng pag-aaruga ng kanilang mga anak noon mga nagdaang panahonsa kanilang buhay.
Leave a Reply