Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Paunawa ni Hon. Alan Tudge Acting Minister for Immigration tungkol sa insidente ng rasismo

Kagaya ng lahat ng mga Australyano, ako ay nasuklam sa kamakailang mga pag-atake laban sa lahi (racism) na itinuon sa ilan sa ating mga komunidad, kabilang ang laban sa mga Intsik na Australyano.

Sa kasamaang palad, nakita natin ang ilan sa mga insidenteng ito na naibalita sa nakalipas na mga linggo, lalo na simula nang kumalat ang COVID-19 pandemic. Sa linggong ito, ako ay nagitlang makita na isa sa mga pag-atakeng ito ay nangyari sa sarili kong electorate ng Aston sa Melbourne.

Walang sinuman, pamilya o komunidad ang dapat tumanggap ng ganitong pag-aasal.

Lahat ng mga tao sa Australya, anuman ang pinagmulang lahi, kultura at relihiyon, ay may karapatang maging ligtas at igalang sa ating lipunan.

Una, nais kong gawing malinaw na ang mga aksyon ng ilang mga duwag ay hindi, sa anumang paraan, nagsasalamin ng mas malawak na opinyon ng mga Australyano.

Tayo ang pinakamatagumpay na multikultural na lipunan sa mundo. Halos kalahati ng ating populasyon ay ipinanganak sa ibang bansa o may isang magulang man lamang na ipinanganak sa ibang bansa. Ang pagkakaiba-iba ng kultura at relihiyon ay bahagi ng ating pang-araw-araw na karanasan.

Ang mga Australyano ay nagmamalaking salubungin ang mga taong mula sa iba’t ibang pinagmulan at binibigyan natin ang lahat ng fair go, maging saan man sila nagmula.

Ang mga aksyong kasuklam-suklam ng ilan ay hindi dapat hayaan kailanman na dumaig sa batayang katotohang ito.

Nais ko ring gawing malinaw na ang Pamahalaang ito ay hindi magpapahintulot sa anumang uri ng diskriminasyon. Kami ay hindi magpapahintulot ng anumang karahasan, pananakot o intimidasyon laban sa sinuman, maging anuman ang kanilang pinagmulan.

The Hon Alan Tudge MP – Standing by our Multicultural Communities – Filipino

Ang karahasan at pag-atake ay karahasan at pag-atake. May mga salang-kriminal at mga umiiral na batas na pang-estado at Pederal na may mga makahulugang parusa, kabilang ang mga multa at pagkabilanggo.

Inaasahan ko na ang mga duwag na kasangkot sa lahat ng mga insidenteng ito ay maihaharap sa hustisya.

Hindi kailangang manatiling tahimik. Kung ikaw ay biktima ng ganitong p-ag-aasal, isumbong mo ito. Kung nakasaksi ka ng ganitong klaseng pag-aasal, magsalita ka laban doon at suportahan mo ang biktima.

At kung ikaw ay isa sa mga duwag na kasangkot, ang mensahe ay simple: Tigilan mo ito. Isang positibo ay ang pagiging handa ng mga tinarget na tumindig at magsalita laban sa ganitong pag-aasal. Pinasasalamatan ko at pinupuri ang lahat ng taong naging sapat na matapang upang magsalita laban dito. . Nakakasiya rin na makita ang lahatang pagtuligsa sa mga insidenteng ito. Ang mga multikultural na komunidad ng Australya ay naging mahalaga sa paghadlang ng coronavirus, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panlipunang paghihigpit, at paggawa ng mahalagang pagbabago sa kanilang buhay, upang magligtas ng buhay at kabuhayan ng iba.

Nais ko ring pasalamatan ang maraming organisasyon ng multikulturang komunidad na nagtulungan upang tulungan ang mga nag-iisa o mahihina. Maraming magagaling na mga organisasyon ang naghahanda at naghahatid ng pagkain, nagbibigay ng suporta at tumitingin sa mga matatanda.

Ang mga aksyong ito ang tutulong sa atin na maharap ang krisis na ito nang mas matatag at mas lalo pang nagkakaisa.

Ang Pamahalaan ng Australya ay patuloy na tutuon sa pagpapanatiling ligtas ang ating mga komunidad at sa pagpapabuti ng kagalingan ng lahat ng mga Australyano. Kami ay patuloy na makikipagtulungan sa mga multikultural na komunidad sa Australya upang tiyakin na ligtas ang lahat ng mga Australyano, at kikilalanin ang mahalagang kontribusyon na nagawa ng mga migrante sa ating bansa.

KAPAKI-PAKINABANG NA MGA KONTAK Kung ikaw ay nasa isang emerhensya o nasa kagyat na panganib, tawagan ang: 000

Kung ikaw ay nakaranas ng diskriminasyon dahil sa lahi, makakapagreklamo ka sa Australian Human Rights Commission: https://www.humanrights.gov.au/complaints/makecomplaint

Lifeline (suporta sa krisis at paghadlang sa pagpapakamatay): 13 11 14

Beyond Blue (serbisyo ng suporta para sa kagalingang pangkaisipan): 1800 512 348