Kailangan mo bang mag-apply para sa kabayaran ng Centrelink? Ang mga sumusunod ang paliwanag ng Centrelink na nanggaling sa 2M Language Services ng Sydney:
Kung nawalan ka ng trabaho o hindi makakapagtrabaho at kailangan mong mag-apply para sa kabayaran ng Centrelink, ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang hilingin ito ay online.
Para sa mga bagong dating na residente, tinanggal rin namin ang panahon ng paghihintay upang hingin ang ilan sa aming mga kabayaran.
Kung mayroon ka nang Centrelink Customer Reference Number (CRN), maaari kang humiling ng kabayaran online sa Centrelink sa pamamagitan ng iyong myGov account.
Kung wala kang CRN, pumunta sa my.gov.au upang magkaroon ng numerong ito.
Maaari mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan at kumuha ng Customer Reference Number (CRN) gamit ang iyong myGov account.
Hindi mo kailangang bisitahin ang isang service center.
Kung nakatanggap ka na ng kabayaran mula sa amin
Nag-aalok ang Pamahalaan ng Australia ng karagdagang tulong pinansiyal.
Kabilang dito ang Economic Support Payment (Kabayaran para sa Suportang Pang-ekonomiya) o ang Coronavirus Supplement (Suplemento para sa Coronavirus).
Kung nakatanggap ka ng kabayaran o kard na nagbibigay sa iyo ng katayuan bilang karapat-dapat upang makatanggap ng kabayaran, hindi mo kailangang gumawa ng anupaman. Kung karapat-dapat ka, awtomatik ka naming babayaran.
Jobkeeper Payment
Maaari kang makatanggap ng JobKeeper Payment (Kabayarang Jobkeeper) mula sa iyong tagapag-empleyo. Tanungin sila kung nakapagrehistro sila para sa kabayarang ito bago ka humiling ng kabayaran ng Centrelink para sa suporta sa kita.
Kung nagawa nila ito at karapat-dapat ka, babayaran ka nito ng iyong tagapag-empleyo.
Kung tatanggap ka ng kabayaran ng Centrelink para sa suporta sa kita at magsisimula sa pagbabayad sa iyo ang iyong tagapag-empleyo ng JobKeeper Payment, kailangang mong iulat ang kita na ito sa amin.
Kung hindi ka mag-uulat, masyadong marami ang maibibigay naming kabayaran sa iyo at kailangan mong isauli sa amin ang sobra. Maaaring kakailanganin mong kanselahin ang iyong kabayaran para sa suporta sa kita upang maiwasan ang pagkakaroon ng utang.
Para sa karagdagang impormasyon
Pumunta sa servicesaustralia.gov.au/covid19
O tumawag sa 131 202 upang makipag-usap tungkol sa mga kabayaran at serbisyo ng Centrelink sa iyong wika.
Leave a Reply