SINULAT NI NARDS PURISIMA – Tulad ng nakagawian natin pagsapit ng buwan ng Marso ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng mga Senyor o Senior’s Week.
Ito ay isa sa pinakamahalagang araw sa mga senyor. Kahit sa ibang panig ng bansa ay nagkakaroon din sila ng ganitong pagdiriwang upang kilalanin ang mga senyor, ang humubog sa kasalukuyan henerasyon.
Kaya ngayon Linggo ng mga Senyor O Senior’s Week, ay nagkaroon ng pagdiriwang ang mga samahan ng mga Pilipino senyor dito sa Sydney.
Masasaya at masisigla sila sa araw ang kanilang pagdiriwang. Kahit may nararamdaman o kaya masakit ang kanilang mga paa, pagdating ng ganitong kasayahan nakipagsayawan nakakalimutan na nila ang pag-aalala. Pasalamt tayo sa buhay natin dito sa Australya.
Masasaya, masisigla at malulusog silang lahat dahil sa lubos-lubosan pagsuporta ng ating gobyerno, gaya ng libreng pagpapa gamot sa doctor. O kaya ang pagpunta sa ospital kapag sila ay malala na. Ginagawa ng pmahalaan ang lahat para sa mga senyor bilang pagtanaw nila ng loob sa mga ginawa ng mga senyor sa lipunan.
Nanguna nang naglingkod ang mga senyor sa lipunan at marapat lang na suklian ito ng kasalukuyang mga namamahala.
Lahat ng kagandahan, pagabuti ng lipunan at mga panaganagilangan nito ay masaabing pingapunyagian ng nakatatandang henersyon.
Marami pa nga diyan ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa lipunan. Maraming nakahandang kasayahan tuwing sumasapit ang linggong ito. Kabilang na dito ang libreng Seniors Week Gala Concert sa International Convention Centre (ICC) sa Sydney, ang pagkakaktaon na makapamasyal sa mga magagandang tanawin sa NSW at maging ang mga magagandang art exhibition sa Sydney.
Para abang pinagtugma pa mandin ang Seniors Week sa pagdiriwang ng pag-ibig s Valentines Day o Araw ng mga Puso.
Isa naming pagkakataon ito upang magtagputagpo ang mga senyor sa ilalim ng temng pagmamahalan at pag-aaruga sa isat-isa.
Dito sa Philippine Australian Society of Senior Citizens (PASSCI) sa Fairfield ipinagdiwang NG passci ang Valentines Day sa pamamagitan ng pagbibigay ng parangal sa ilan sa aming mga kasapi aming puwaanang pagtitipon.
At anupa, sa lalim ng pamamahala ni Mr Jun Relunia, nagkaroon kami ng Mutya at Ginoo ng PASSCI.
Napiling Mutya si Ginang Maria Sing at Ginoo naman ay si Romeo Monje . Masaya at nagbibgay katuparan sa isat-isa ang pagtitipon kasama na ang ugnayan ng bawat isa sa Araw ng Mga Puso,
Samantala nagdiwang din ang Sydney Australia Filipino Seniors Society Incorporated (SAFSI) sa ilalmim ng paumuno ni Pangulo Mrs Teresita Hermoso at Pangalawang Pungulo Erlinda Nweiser ang kanilang Araw ng mga Puso sa Marayong, NSW. Pinarangalan nil ang bawat ma-asawang miyembo ng samahan.
Panauhing pandangal si Blacktown Councilor Linda Geronimo at siyemore hindi Nawala ang sayawan at kantahan.
Leave a Reply