SINULAT NI NARDS PURISIMA – Mahalaga sa mga Senyor ang Araw ng Mga Puso o Valentines’s Day. Gaya ng mga madalas na ipagdiwang na Araw ng Bagong Taon o kaya ng Australia Day, sa buwan ng Enero, ang Valentine’s Day sa buwan
ng Pebrero ay pinag-uukulan ng pansin ng mga senyor dito sa Australia.
Hindi nakakalimutan ng mga senyor ang araw na ito . Isang araw na mahalaga hindi lang sa paningin ng mga nag-susuyuan o mga boypren or girlpren, ngunit sa lahat na nagbibigay timbang sa isyu ng pagmamalan. Sa araw na ito ating masusukat o kaya malalaman ang ating pagmamahal sa mga taong sadyang malapit sa ating buhay.
Maraming bagay-bagay ang sumasariwa sa mga mataramis na nagdaan sa buhay ng mga senyor tuwing sasapit ang Araw ng mga puso. Marahil magmumukhang katawa-tawa man ang ilang parte ng pagdiriwang na ito sa mata ng ilan. ang pagdiriwang ng Araw ng Mga Puso sa pagtitipon ng mga Senyor. Alalahanin natin na ang pananariwa gaya ng paghihirang ng Miss at Mr Valetines Day ay nagpapalakas ng ispiritu ng mga matatanda.
At sa mga senyor naman dito rin nila naipapadama o naipapakita sa kanilang mga kasamahan ang pagmamahal sa pagpapalitan ng mga regalo ang bawat isa at nakikita natin sila kung gaanong kamahal at pagpapahalaga sa kanila, bilang mga kaibigan /
O kaya ang pagpapahalaga natin sa ating kapatid tulad ang pagpapahalaga sa ating mamahal sa mga kabiyak sa buhay. at mga kabataan tuwing dumarating ang Araw ng mga Puso.
Para sa mga senyor ang pagmamahalan ng bawat isa ay mahalaga Maging ito may ay patungkol saa kaibigan, kapatid at lalong-lalo na sa kanilang mga anak. Ito ay pakiramdam na nagbibgay ng malaking tulong sa kanilang kasiglaan at kalusugan.
Isipin na lang atin kung anoany naidudulot kung sama-sama silang lahat na patuloy na magdadamayan at magkakaibigan.
Bilang isang potograpo, nakakagaanan na ng inyong lingcod na mamasdan anglarawan ng mg senyor na namamasyal sa ilang roamantikong mga lugar. Pinaiigting pamandin ang kasayahan kung sila ay samasama sa pagdiriwang ng mga okasyon gaya ng Araw ng Mga Puso.
Muling pinaalala ng inyong linglod sa iba pangmga senyor namaging aktibo sa kanilang buhay. Sa pang-araw-araw.
Tara na, sumali ant amakilahok sa mga pagdriwang at gawigawi ng mg senyor dito sa Australya. Magsaya tao ant maging masigla upang humaba ang ating buhay sa ilalim ng pagdadamayan at pagtutulungan .
At hindi rin natin kalimutan ang pagdarasal sa panginoon tunkol sa atin, sa ating mag-anak at sa ating mga kakilalang senyor sa komunidad.
Leave a Reply