Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Responsibilidad na magkasundo-sundo

LINGUA FRANCA

MABUTI na lang ang tradisyon ng Westminster Parliamentary system ay patuloy na sinusunod  sa maraming pagpupulong  dito sa Australia. Simula sa pagtitipon  ng simpleng samahang pangkomunidad  hanggang sa usapang liderato sa Australian Parliament.

Gaya ng botohan para sa liderato ng Pamahalaang Coalition kamakaylan lamang. Natimbog ang liderato ni Prime Minister Malcolm Turnbull at tinanghal na bagong Prime Minister si  dating Treasurer Scott Morrison. Makalawang  beses na nagbotohan ang  Liberal at National Coalition na kung dalawang beses na nabigong angkinin ang liderato ni Home Minister Peter Dutton.

Bagamat madugo man o di maganda sa mata ng iba ang mga  pangyayaring tungo sa nasabing  botohan, maging aral nawa ito sa mga samahan sa komunidad na Filipino.

Ang tinutukoy ko ay ang hangganan ng pagbabangayan sa pulitika at dapat may katapusan ang mga argumento para maka move on matapos ang isang kontrobersiya.

Isa namang insidente sa komunidad Filipino dito sa Sydney na kung saan napunta pa sa polisya ng NSW ang kaso ng di pagkakaunawaan ng  mga pinuno ng Alliance of  Philippine Community Organisatio  (APCO).  Umano nag-file ng complaint sa polisya si Dr Cen Amores na tinuturing na founding president ng APCO   Ayon sa isa pang lathalain hindi Bayanihan News diumano’y  dumalo at nagpaliwanag ang dati ay 2017 vice president at ngayon ay bagong halal na president ng  APCO na si Mrs Cora Paras.

Hanggang ngayon  di pa natin alam ang resulta ng kaso.

Tunay nga na may responsibilidad na magkasundo sundo ang bawat miyembro ng isang samahan

Wari ko ay may katungkulan ang mga miyembro na magkasundo at pag-usapan sa pamamagitan ng isang mekanismo at di na ito dapat paratingin pa sa polisya.  Gaya ng Parliamentary system dapat areglohin na nila mismo  ang di pagkakaunawaan.

Di na dapat paratingin pa ang usapan sa mas marahas at di katanggap-tanggap na resulta ng kontrobersiya, gaya ng paghihiwalay at pagtatayo ng kanya kanyang hiwalay na samahan.

Sa epistola para sa mga Corinthians, iginiit ni apostol Pablo na hindi dapat mamili ng panig ang mga tagasunod ni Pablo o ni Apolo.  Alaong baga,  responsibilidad ng bawat panig na ayusin ang kanilang gusot gaya ng pagtatawag ng botohan sa liderato sa Pamahalaang Coalition,  maging mayorya o minorya man.

Saksi ako sa pag-walk out ng mga miyembro ng  Philippine Community Council of New South Wales (PCC-NSW) maraming taon na ang nakalipas sa isang pagtitipon ng nasabing samahan  Ang di pagkakaunawaan ay nagbunsod sa pagkakatayo ng  hiwalay na Alliance of Philippine Community  Organisations.

May ilang taon na at tuluyan nang di nagkasundo ang dalawang peak body organisations. Kaya nga ba may kaguluhan sa kung sino ang kakatawan sa komunidad Filipino sa pakikipag-ugnayan sa ilang kaganapan na inumpishan ng pamahalaan.

Noong nakaraang taon lamang, usap-usapan na ang tinatawag na reconciliation ng dalawang samahan. Minabuti ng  dating Philippine Consul sa Sydney na si Marford Angeles na  himuking magtulungan ang dalawang samahan. Nag-apela siya sa patuloy na kooperasyon ng  dalawang panig isa.sa mga proyekto ng Consulate General. Gaya ng mga gawain sa nakaraang Philippine Christmas

Festival.  Matagumpay na nairaos ang Christmas Festival kasama na ang mga input muls sa dalawang peak body associations.

Mahalaga na maisapuso natin ang katungkulan ng bawat isa na magkasundo. Hindi kaaya-aya na “ipagpatayan” natin ang ating mga posisyon  at ipasa na lamang sa kaninumang  third party gaya ng polisya ang pagsasaayos ng  di-pagkakaunawaan.  Ang pamunuan ng mga samahang pangkomunidad ay may tamang gulang na

Huwag na nating hintayin ang sitwasyong gaya nang iniharap ang isang kaso sa harapan ng Haring Soloman. Na kung saan iniutos niyang hatiin sa dalawa ang katawan ng isang inosenteng  sanggol, upang pagbigyan ang dalawang nanay na nag-aagawan.