Sa samahan ng mga Pilipino senyor, tuwing sasapit ang buwan ng Agosto hindi nila nakakalimutang ipagdiwang ang buwan ng Wikang Filipino, dati ay tinawag nating Linggo ng Wika.
Nais ng mga senyor dito sa Australya na ipakita o ipaalaala sa mga kabataan lalo na sa kanilang mga apo na dapat nilang mahalin ang ating sariling wika dahil ito ang nagpapatunay na tayong lahat ay tunay na Pilipino sa salita, sa isip at sa gawa.
Ipinaala-ala rin ng mga senyor sa kanilang mga anak na noong sila ay mga bata pa, ang itinuro sa kanila ang mga magagandang asal o kaugali-ang Pilipino tulad ng pagda-rasal sa Diyos, paggalang sa mga matatanda, sa mga magulang at lalong-lalo na sa kanilang Lolo at Lola sa paggamit ng salitang ‘po ‘ at ‘opo ‘ sa pakipag-usap sa kanila.
Nais rin ng mga senyor na turuan ng kanilang mga anak ang kanilang mga apo, tungkol ang ugaling Pilipino, tulad ng pagmamano sa mga matatanda, lalo na sa kanilang Lolo at Lola.
Malaking kaligayahan ng mga senyor tuwing dadalaw sila sa mga apo na marara-nasang nagmamano ito sa kanila at nagsasalita ng wikang Filipino.
Ngunit hindi lahat ng pamilya ng mga Pilipino dito sa Australya ay gumagawa nito, dahil mga ibang magulang ay masyadong abala sa kanilang mga gawain kaya nakakali-mutan nilang ituro sa kanilang mga anak ang mga kaugaliang
Pilipino o kausapin man lamang sa wikang Filipino habang nasa loob ng kanilang bahay.
Sana tularan ng ibang pamilya na turuan din nila ang kanilang mga anak dito sa Australya ng mga magagan-dang bagay na kanilang natutuhan sa kanilang mga magulang noong nasa Pilipinas pa sila.
At para naman sa iba natin kababayan na ayaw magsalita ng wikang Filipino kapag-kinaka-usap mo, kabayan, kahit baguhin mo pa, ang inyong kaanyuan, sa mukha, sa kulay at sa buhok, ikaw pa rin ay Pilipino. Alalahanin mo kabayan, ang sabi ni Rizal, ‘Ang hindi marunong mag-mahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang Isda.’
Dito naman sa samahang senyor Filipino Forum Merrylands, ang kanilang pangulo Ding Vergara ay nagdiwang ng kanilang Filipino-American Friendship Day. Nag-anyaya sila sa lahat na senyor na pumapasok sa bagong bukas na paaralan o eskwela dito sa area ng Granville at Parramatta.
Tumanggap sila ng Recog-nition of Achievement. Binigyan sila ng parangal, dahil kahit sila ay senyor, ay kaya pa nila, at ang sabi nila ito lang ang paraan upang maiwasan o hindi sila dapuan ng sakit na Dementia o Alzheimers.
Leave a Reply