Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Biswal na smoke alarm sa mga bingi o may mahinang pandinig

Ang mga Pilipinong naninirahan sa NSW na Bingi o mahina ang pandinig ay maaari na ngayong matulog nang mas ligtas sa tulong ng mga smoke alarm na biswal at may paramdam mula sa NSW Smoke Alarm Subsidy Scheme (SASS).

Ang SASS, ay isang pinagsamang inisyatiba sa pagitan ng Deaf Society of NSW, Fire and Rescue NSW, at ng NSW Department of Ageing, Disability and Home Care.

Ito , ay gumagawa ng biswal at may paramdam na mga smoke alarm, na nagkakahalaga ng hanggang $650, at abot-kaya ng mga taong bingi, mga taong bingi’t bulag  at mga taong mahina ang pandinig na nasa NSW. Ang isang karaniwang smoke alarm na nagkakahalaga ng $50 ay abot-kaya ng karaniwang badyet ng mga pamilya.

Sinisiguro ng SASS na ang halaga ng isang smoke alarm ay pantay-pantay para sa lahat ng tao sa kabayarang $50, na maaaring hindi ipabayad sa mga taong may suliranin sa pera.

Bagaman ipinag-uutos ng batas sa NSW ang pagkakabit ng mga gumaganang smoke alarm sa bawat tahanan kabilang na dito ang mga caravan at mobile home, ang mga karaniwang smoke alarm ay hindi epektibo sa pag-aalerto sa sunog sa bahay ng mga taong bingi, mga taong bingi’t bulag at mga taong mahina ang pandinig, lalo na kapag sila ay natutulog.
Ayon sa CEO ng Deaf Society of NSW na si Ms Sharon Everson mahalaga raw na ang mga taong bingi, mga taong bingi’t bulag at mga taong mahina ang pandinig ay magkaroon ng babala sa sunog sa bahay na kaparehas ng mga gamit ng nakakarinig na tao.

‘Kadalasan ang mga taong bingi, mga taong bingi’t bulag at mga taong mahina ang pandinig ay hindi nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon, kabilang na ang mga pampublikong anunsyo, mga babala at mga alarma. Sa isang emerhensiya, ito ay hindi sapat – ang mga buhay ay nasa panganib,” aniya.

‘Ang mga sabsidyong (subsidized) smoke alarm ay mahalaga dahil ang $650 ay malaking pera para gastusin sa kahit anong bagay, kahit na ito pa ay kagamitang pangkaligtasan. Kung walang SASS, ang napakamahal na halaga ay pipigil sa mga taong bingi, mga taong bingi’t bulag at mga taong mahina ang pandinig na piliin ang ganito para sa kaligtasan ng  kanilang tahanan sa sunog na karapatan nilang magkaroon,’ aniya.

‘Mas malamang na masawi ka sa isang sunog sa bahay kung wala kang isang gumaganang smoke alarm na nakakabit. Kung hindi mo marinig ang isang karaniwang smoke alarm, ito ay nangangahulugan na kailangan mo ng isang pinasadyang smoke alarm upang maalertuhan ka,’ aniya.

‘Sa isang kasong alam namin, ang alarm na inaalok sa isang kahalintulad na iskema sa Victoria ay nagsilbing tagapagligtas ng buhay sa isang bahay na nasusunog. Habang kami ay umaasa na wala ni isang alarm ang kakailanganin, alam namin na ang mga taong nanganganib sa NSW ay magkakaroon ng pinakamalaking tsansa na makaligtas sa isang bahay na nasusunog,’ aniya.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa iba’t ibang mga alarm na magagamit, pati na rin kung paano mag-apply, ay makukuha sa Auslan at sa Ingles mula sa Deaf Society of NSW sa www.deafsocietynsw.org.au/smokealarms. Kung hindi man ay maaaring makipag-ugnay sa Deaf Society of NSW sa pamamagitan ng boses sa 8833 3600 , TTY sa 8833 3691 o fax sa 8833 3699.