Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Babae sa panahon ng PDAF

Sapagkat okasyon ng kaba-baihan ang Marso, akma lamang na magpugay sa kanila ang kalahating kasarian ng daigdig. At itong gabutil na akda lamang ang maihahandog ng Lupalop sa umaalimbukay na mga napagwagian nila: ang pag-ikli sa walo (8) mula labing apat na oras (14) ng trabaho kada araw, boto sa eleksyon, marami pa.

Hannggang magka-roon ng kababaihang presi-dente ng bansa, gaya ng Pilipinas. Katiting lamang ang handog na ito. Sadyang gamo-numento lang talaga ang estado ng kabuluhang inabot na ta-gumpay ng kababaihan. Naka-tirik ang mga ito sa bawat lupalop ng daigdig. 

Habang pagkakapantay ang layunin ng pakikibaka ng kaba-baihan, isang Janet Luy Lim-Napoles ang sinampahan ng kasong pandarambong sa ka-bang-yaman ng Pilipinas. Nasagap at naibrodkas sa lahat ng sulok ng daigdig ang paraan at trato ng mga awtoridad sa pagsuko niya. Nagkakanda-bugbog at napapabayaan ang kapakanan sa katarungan ng mga nagraraling informal settler, drayber, mga sinuba ng bangko ng pahulugang insu-rance.

Pero si Napoles ay nagkaroon ng 28 bahay sa mga lungsod ng Luzon lamang. Iba pa ang mga pag-aari ng pamilya niya sa abroad. Tatlumpung (30) sasakyan, kahit paano noong kaaaresto pa lamang sa kanya. Apat na raan at labing limang (415) akawnt sa bang-ko. Nagmamantini siya ng mansyon para sa mga paring katoliko sa isang pangmaya-mang subdibisyon sa Makati.

Pambihira! 

Siguradong kinaiinggitan siya ng mga imeldifikong pa-sosyal. Pero pinagtatawanan lang ng mga tunay na master-mind ng pandarambong. Inuri-urirat na ng mga mamama-hayag, mambabatas, sindikato, relihiyoso, auditor, aktibista, rebolusyonaryo ang modus ng ale. Tinangka ng mga kontra- militansya na ipuwera sa mga kilos protesta ang mga militante. Nagnegosasyong magkaisa raw pero inagawan ng mikropono ang tagapag-salita ng mga militante sa ikalawang buwelo ng rali. Uminit ulit ang imbestigasyon sa senado.

At kasalukuyang low bat ang 1 Million People March na nagtangkang mag-puwera. Sa pamamagitan ng paglaban sa maraming kontra-mamamayang isyu, tuloy-tuloy sa pagkilos ang mga militante para sa pagbabago ng lipunang Pilipino.

At hindi nagpapahuhuli ang kababaihan sa pagbabago ng lipunan.  

Ang Priority Development Assistance Fund o PDAF ay disenyo ng kolonyalismong Amerikano sa politika ng kolonyal na Pilipinas. Sina-sabing 1922 pa ito ipinatupad sa bansa bilang pondong nasa disisyon ng mambabatas, o opisyal ng ehekutibo ang pag-gamit kapag may impra-strukturang kailangang  pon-dohan labas sa mga pamban-sang alokasyon. Lumaganap hanggang panahon ni Presi-dente Cory Aquino sa ilalim ng pangalang Countryside Deve-lopment Fund. Saka ginawang PDAF ni Erap noong 2000. 

Pork barrel o ano pa man ang ipangalan ng mga pulitiko sa pondong ito, sa kasong kinasangkutan ni Napoles, ang PDAF ay isang kasangkapan para sa ilegal na pagpapayaman hindi lamang ng mga politiko. Kundi pati ng mga kriminal na sindikatong nagdudulot ng kahirapan sa panlipunang saklaw.

Bakit nagawa ng isang babae ang masangkot sa ganitong iskandalo gayong nakatirik ang monumento ng tagumpay ng pakikibaka ng kababaihan sa pagkakapantay? Mas mahinahon at mapagka-linga raw ang mga idea at aksyon ng kababaihan kaysa kalalakihan. 

Bilang asawa ng (dating) militar, hindi pa naipakita ni Napoles na independente siya sa pangpatriyarkang kalakaran mula nang mabrodkas ang kaso niya sa midya. “Mahinahon” ang pagbimbin niya sa pinsang si Benhur. Ganoon din ang pagsuko niya sa bulwagan ng Palasyo. At ang tradisyon ng hinahong ito ay nakaugat sa relasyon niya sa pinakasalang si Jaime G Napoles. Habang sa Fort Bonifacio sila tumira noong 1982. A

t dito rin nagsimulang magbunga ang kanyang tiyaga sa sari-sari store na kabuhayan nila ng kanyang ina. Nagpa-takbo rin siya ng karinderya sa Fort Bonifacio. Tagakumbinsi ng mga sososyo sa isang negosyong shipyard sa Cebu. Naging kontraktor ng distri-busyon ng helmet na pang-militar. Pero nakapangsuba at nakasuhan sa huling dalawang nabanggit na pagsisikap. Bagamat absuwelto. 

Maraming pag-aaral ang nagsasabing magkaiba ang pagdama-pagdanas at pag-iisip ng babae at lalaki. Kaya naman hanay mismo ng kababaihan ang nagsasabing magiging payapa ang daigdig kapag babae ang lider. Sang-ayon ako. Sa maraming pagka-kataon, mula nang maging presidente si Cory Aquino, na sinundan pa ni Gloria Arroyo, naipagmalaki ng mga Filipino ang pagiging sulong ng pakikibaka ng kababaihan sa bansa. Pero ang pagmama-laking ito ay naging pagma-malaki lamang. Kaysa maging kapakipakinabang na kulturang Pilipino. Pinay o Pinoy man.  

Ang Pilipinas ay kasalu-kuyang binabatbat ng mga problemang pakana ng patri-yarkiya. Laos na ang patri-yarkiya bilang ideolohiya ng moderno at malayang pamu-muhay sa daigdig. Napatu-nanyan na ngang mahinahon ang mga ideya at aksyon ng kababaihan. Pero may kimkim na karahasang ihinahasik ang kahirapang resulta ng mga pandarambong. Naipapasa ang ideolohiya sa babae o lalaki man.

Magiging mahinahon ang paglutas sa problemang bunsod ng pakanang PDAF. Kailangan lamang kilanlin na pagbusal sa nasyonalismo noong kolon-yalismong US ang tradisyong kana ng mga Kano.

Sapagkat tumpak din na maging okasyon ng kababaihan kahit hindi buwan ng Marso, bagay sa pagdiriwang ang sagot sa tanong na, kung mag-isip at kumilos nga ba ang mga gaya ni Janet ay macho? 

 

Malayo na ang narating ni Roberto O. Umil sa larangan ng pagsulat mula nang mapadpad sa Maynila at umibig sa wikang Filipino. Tatlong beses ng binigyan ng gawad sa Palanca para sa kanyang tula, kinilala rin ng Gawad Ka Amado V. Hernandez Literary Awards, SP Lopez Literary at Multimedia Contest, at My Rizal 150 Years Essay Writing Contest at awtor ng premyadong aklat na Oda sa Kaldero at Iba pang tula.Para sa komento, mag-email sa avetzki@yahoo.com