Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Buhay ng mga Senyor

NI NARDS PURISIMA  – Ang buhay ng mga Filipinong senyor dito sa Australya , gaya sa ibang bansa o saan man dako ng mundo ay nangangailangan  ng pangunawa sa kanilang ang-araw araw na pamumuhay.  Pag ang isang tao ay nagkakaedad na, maraming bagay ang nangyayari sa kanilang katawan.

Marami na sa kanila ang nakakaramdam ng sakit.  Lalong lalo na sa kanilang biyas ng katawan,isa na sa kanilang  kasu-kasuan. Ang iba naman ay nagiging makakalimutin na, lalo na sa mga bagay-bagay na kanilang ginagamit sa araw-araw. Halimbawa  ang mga bagay na naiiwan nila sa isang lugar.

O  kaya maala-ala nang may patawa kung saan nila ito ilinagay, katulad ng salaming sa kanilang mga mata  na palagi nilang ginagamit.  Kung minsan hinahanap nila ito pero hindi nila napapansin ay nasa tabi lamang nila o kaya nakasabit pa nga sa kanilang ulo gayunman hindi suot sa ibabaw ng mga mata.

Ang isa pang problema ng mga senyor ay ang kanilang nararamdamang panghihina ng pandinig. Kaya naman ang iba ay gumagamit na ng hearing aid. Patudyo ng iba, ang mga buhok daw ay nalalagas sa ulunan, ngunit hindi sa loob ng tenga.

Ang iba naman, ang problema nila ay nakakaroon na sila ng G S T  o ( gout sa tuhod).  Ito ay pananakit  ng kanilang mga kasu-kasuan lalo na sa kanilang mga paa, kaya napilitan na silang gumamit ng baston o tungkod dahil mahihirapan na silang lumakad ng malayo.

Sa kabilang dako naman ng kanilang buhay, kapag kasayahan at pagtitipon ang ating pag-uusapan,  sila  ang grupong migranteng Pilipino na hindi  pahuhuli kung ang pagdalo sa mga gawaing na nakakatulong at naka-aaliw. Maging ito man ay para sa kanilang mga kaibigan o sa komunidad, ang pag-uusapan, ay palagi silang dumadalo sa mga masayang pagtitipon.

Gustong-gusto rin nilang nagsasayaw kung nakakarinig sila ng paboritong nilang tugtuging Filipino. Kahit na nakatungkod sila at masakit ng mga paa at tuhod itinatabi nila ito at pilit silang nagsasayaw, dahil dito nakakalimutan nila ang sakit ng katawan at maaliw sila  kahit panandalian lamang.

Gaya ang nakikita nating sa larawan ay masisigla at masasaya silang lahat ng  bawat samahan sa kanilang pagdiriwang ng Linggo ng mga Senyor o Senior’s Week kamakailan lamang. At unang nagdiwang ay ang samahang Phil.Australian Seniors SocialClub. (PASSoC) ng Merrylands,.

Nagkaroon sila ng Senyor ng Taon, at  ang napili ay si G. Puring Abella nakikita natin sa larawan kasama ang kanilang Pangulong si Ding Vergara.  At ang sumunod nagdiwang ay ang AGAPI Rooty Hill na pinamumunuan ni Pres. Dorothy Del Villar at sumunod ang PASSCI   sa Fairfield ni

Pres. Jun Relunia Jr. at ang huling nagdiwang ay ang SAFSI seniors Marayong ni President Angeles Belleza.

 

At dito nagwakas o nagtapos ang mga masasayang pagdiriwang dito sa samahang ng mga senyor sa padiriwang nila ng Linggo ng mga Senyor o Senior’s Week na naganap kamakailan lamang, gaya ang nakikita natin sa kanilang mga larawan.