Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
Gladysss

Testing blitz ng COVID-19 sa Western Sydney, South West Sydney

Sinuman na nakatira o nagtatrabaho sa West at South West Sydney at kahit sino na may bahagyang mga sintomas lamang ng COVID-19 ay hinihikayat na magpakilala para magpasuri, habang ang misteryosong mga kaso ng COVID-19 ay patuloy na lumilitaw sa rehiyon.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, ang COVID-19 ay lumilibot pa rin sa komunidad, lalo na sa West at South West Sydney.

“Ang rehiyong ito ang susi para mawasak ang pagdagsa ng pagkahawang (transmission) ito at ang mataas na bilang ng mga tao na nasuring may sintomas ay napakahalaga sa pagpigil ng pagkahawa sa komunidad,” sabi ni Ms Berejiklian.

“Tama ang ginagawa ng NSW dahil nananatiling mababa ang mga kaso, gayunman, ako ay nababahala pa rin dahil patuloy tayong may mga kaso na na-dayagnos na walang kaugnayan o link sa isang kilalang kumpol (cluster). “Ito ay panawagan sa sinuman na nakatira sa West at South West Sydney na magpakilala para magpasuri kahit na may bahagyang mga sintomas lamang.

“Kung ikaw ay nagpapatakbo ng isang lokal na organisasyon, negosyo, sentro ng komunidad, lugar ng pagsamba, istasyon ng radyo o pahayagan sa lugar na ito, kailangan namin ang iyong tulong upang maikalat ang mensaheng ito.” Si Chief Health Officer Dr Kerry Chant ay nagsabi na kailangan nating lahat na gawin ang ating tungkulin upang mahinto ang pagkahawa sa komunidad at maiwasan ang panganib ng paglitaw ng karagdagang mga cluster.

“Tinatanong namin ang sinuman na nagtatrabaho, naninirahan o bumisita sa West at South-West Sydney kamakailan na magpakilala para magpasuri kahit na may bahagyang mga sintomas lamang,” ayon kay Dr. Chant.

“Ang isang natatanging katangian ng virus na ito ay maaaring bahagya lamang ang mga sintomas nito at ito ang maaaring pinakamalaking hamon dahil walang kamalaymalay ang mga tao na sila pala ay maaaring may virus – kailangan ko ang tulong ng komunidad upang matukoy kung saan nagmumula ang mga misteryosong kaso na ito.”

May 302 lokasyon kung saan maaaring magpasuri ang publiko para sa COVID-19 sa NSW, at may karagdagan pang magbubukas araw-araw. Ang 90 ay mga drive- through at ang 22 ay mga pop-up na klinika. Upang mahanap ang pinakamalapit na klinika ng pagsusuri sa inyo, pumunta sa https://www.nsw.gov.au/covid-19/how-toprotect-yourself-and-others/clinics