Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Sentenaryong Senyor na si Nanay Cora Salvador

SINULAT NI NARDS PURISIMA

Alam natin na ang buhay sa Pilipinas ay lalong humihirap habang dumaraan ang mga araw o buwan,.

Marami tayong mga kababayan natin ang nalublub sa kahirapan lalong lalo na ngayon panahon ng COVID 19.

RSCN9874[20137]Kaya ang mga senyor sa Pilipinas ay bihira na  ang nakakarating ang sentenaryo ng kanilang kapanganakan.

Dito sa Australya ay iba ang mga senyor dito lalong lalo na sa samahan ng mga senyor. Kapag tawagin ay SAFSI sa Marayong ay mayrong isang miyembro ng kanilang samahanang nagdaos ng  ika 100 taong kapanganakan kamakailan lamang.

Sa edad na 100 taong gulang nababakat o nakikita natin   sa kanyang mukha ang kasiglaan at kasiyahan gaya ang nakikita natin sa kanyang larawan.

Alam ba ninyo kung sino itong mapalad na miyembro dito sa samahang ng mga senyor na umabot ng 100 taonng kapanganakan? Walang iba kundi si Gng. Corazon Salvador at ang tawag namin sa kanya ay Manang Cora at yong iba namn ay Nanay Cora.

Sa pamamagitan ang kanyang mahal nyang anak na si Gng. Olga Salvador Esquerrra akin napag alaman na si Manang Cora ay naipanganak siya Sarrat, Ilocos Norte sa Pilipinas,,

Nagtapos siya ng BS  Elementary  Education sa Philippine Normal College at ang kanyang mahal nyang asawa ay naunang Atty. Victorino Salvador at mayroon silang dalawang anak na babae sila Agnes at Olga.

Taon 1985  Manang Cora at ang mahal nyang asawa Manong Vic ay nagmigrate sila dito sa Australya para makakasama nila ang kanilang mahal nilang pamilya na sila Rudy at Agnes,  Danny at Olga, ganon din ang kanilang mga apo.

Pagdating nila dito ay masayang-masaya na sila dahil makakasama na nilang tuloyan ang kanilang mga anak at apo ng lubusan.

Pagkaraan ng ilan buwan dito sa Australya naisip nilang sumama o sumali  sa samahang ng mga senyor dito sa area ng Blacktown, kapag tawagin ay samahang SAFSI, kaya nadagdagan na naman ang kanilang kasiyahan dahil marami na silang mga kaibigan.

Pagdating ng taon 2002 ito ang pinaka-malungkot sa  buhay ni manang Cora, ito ang pagkamatay ang kanyang pinakakamahal nyang asawa. Sa tulong ang  mga kaibigan, kamag-anak at lalong-lalo na ang kanyang minamahal nyang mga anak at apo  ay unti-unting  nakalimutan ang malungkot na nangyari sa kanyang buhay hanggang dumating na siya ng 100 taon kapanganakan.

Dahil panahon ng COVID 19, sila-sila lang mag-anak ang nadiwang ng ika 100 taon kapanganakan ang kanilang mahal na  Ina, gaya ang nakikita natin sa larawan.silang lahat ay masasaya. Bago dumating ng COVID 19 aking napag-alaman ang sekreto ni manang Cora kaya nakarating o umabot siya  ng 100 taon kapanganakan dahil sa lubos-lubusan na pagmamahal at pag-aalaga  ang kanyang mga anak at apo.

Kaya para sa mga ibang anak na masyadong marami o abalang-abala sa kanilang ginagawa at nakakalimutan man lamang kumustahin ang kanilang mga magulang, kahit kunting pagtingin o pag-ala-ala lang sana sa kanila habang sila ay nabubuhay pa.

Dapat natin tandaan ang ating kasabihan,”Ang anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang ay pagpalain ng Diyos habang buhay.”