Sa unti-unting pagluwag ng mga paghihigpit, maaaring malapit mo nang mabuksang muli ang iyong negosyo. Tingnan ang lingguhang sumaryo ng Business Australia sa COVID-19 para makita kung ano ang pwede mong gawin para makapaghanda!
- Maaaring panahon na para simulang muli ang iyong negosyo pagkatapos ng Coronavirus. Tiyaking ligtas ang iyong mga empleyado sa pamamagitan ng gabay na ito sa muling pagbubukas ng iyong negosyo kabilang ang listahan ng mga dapat gawin para sa kalinisan, pangangasiwa sa pagbabalik ng iyong mga empleyado, mga tagubilin ng social distancing at 5 susing katanungan.
- Mayroon ka bang restawran o café? Sa pagluwag ng mga paghihigpit sa Coronavirus, panahon na para buksan muli ang iyong negosyo. Mag-click sa ibaba para sa mga detalye ng 3 hakbang na plano ng Pederal na Pamahalaan at gabay ng bawat estado sa pagbubukas ng mga negosyo.
- Sa halos 5 milyong indibidwal na tumatanggap ng mga bayad ng JobKeeper, ang tiwala ng konsumer ay bumalik na sa ekonomiya. Ipinapakita ng pagsasaliksik ng Commonwealth Bank ang unang limang palatandaan ng pagbawi ng ekonomiya na may pagtaas ng paggasta ng konsumer nitong Mayo.
Ang pagpaplano at pananatiling handa habang nagpapatakbo nang may mababang gastusin ay ang mga susi sa muling pagbubukas ng iyong negosyo pagkatapos ng Coronavirus. Mag-click sa ibaba para sa gabay ng lohistika para sa muling pagbubukas ng iyong negosyo kabilang ang mga proseso at patakaran, pagre-restock ng mga produkto, listahan ng mga dapat gawin para sa tatlong yugto ng pagbubukas at pagpaplano para sa ikalawang pagsasara. https://bit.ly/CPBAFilipino
Para sa maraming negosyo, napakahalaga ng mga accountant para sa pagseseguro ng bayad ng JobKeeper na $A1500 kada dalawang linggo para makatulong sa pagbabayad ng mga sahod ng empleyado. Mag-click sa ibaba para sa 16 na katanungan na maitatanong ng mga may-ari ng negosyo sa kanilang mga accountant para malaman kung kuwalipikado ba sila para sa JobKeeper https://bit.ly/CPBAFilipino
Leave a Reply