Bawat pagsapit ng Bagong Taon ay panahon ng bagong pag-asa. Pag-asa na maging mas maganda at mabuti ito para sa sarili, sa pamilya at sa buong bansa.
Gayumpaman, sa di-inaasahang mga pagkakataon, may mga papasok na Bagong Taon na mas matimbang ang pangamba at mas mabigat ang mga pagsubok dahil sa mga hinaharap nating problema at sa mga nagdaang trahedya.
Nariyan po ang mga sakuna gaya ng malalakas na lindol at bagyo, na hindi lang sumira sa mga kabahayan at kabuhayan, kundi kumitil din sa buhay ng marami nating kababayan. Patuloy po nating ipagdasal ang mga biktima at ang kanilang naulilang pamilya.
Ngayong 2020–tatlo’t kalahating taon mula nang manungkulan ang rehimeng Duterte–hindi pa rin basta-basta mawawala, sa loob lang ng tatlo hanggang anim na buwan, ang matagal nang pasanin ng taumbayan. Kasama rito ang mababang pasahod, mataas na presyo ng mga bilihin, pag-angkin sa ating mga teritoryo, pati na ang kalbaryo ng mabigat na trapiko na sasabayan pa ng pagtatanggal sa libo-libong trabahong nalikha ng serbisyong tumutulong para pagaanin ito.
Ang hiling ko po’t dalangin: Maging mas matatag po sana ang bawat isa sa pagharap ng mga bagong hamon ngayong taon. Mas tibayan pa ang ating pananampalataya, at mas lakasan pa ang panawagan para sa isang lipunang makatarungan at may paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino, anuman ang kasarian, edad at paniniwala.
Indeed, human rights are what makes us human. Given the international trend to increase pressure in defending human rights and democracy, I hope to see a more human rights-conscious and human rights-sensitive Philippine society and a more human rights-compliant Philippine officialdom in 2020.
Once again, let us show the world the power of our solidarity towards upholding social justice and democracy. Now, more than ever, let us not be cowed to threats and oppression.
We will not succumb to tyranny. We will fight back and we will fight more.
A peaceful, meaningful and blessed New Year to all!
- From Philippine Senate Website
Leave a Reply