Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
PlayHouse

“PlayHouse” love drama sa ABS-CBN The Filipino Channel

Sunod-sunod na ang magagandang nangyayari kina Patty (Angelica Panganiban), Marlon (Zanjoe Marudo) at Robin (Justin James Quilantang) habang patuloy silang lumalaban para sa pag-ibig at pamilya sa pagtatapos ng ABS-CBN series na “PlayHouse”, na napapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC). Ang huling episode ay mayroong simulcast streaming sa local airing nito sa March 22 via TFC Online (www.TFC.tv).

Ligtas na si Robin sa kapahamakan dahil sa matagumpay na kidney transplant at nagising na rin si Patty matapos ang ginawang operasyon para mai-donate ang kaniyang kidney sa kabila ng kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Ang mga sunud-sunod na mga pangyayari sa kanilang buhay at ang halos pagkawala ni Patty ay nagpaalala kay Marlon kung gaano niya kamahal at pinahahalagahan si Patty, kaya ganoon na lang ang takot niyang mawala ito.

Kasama rin sa “PlayHouse” sina Isabella Daza, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.

Mabigyan pa kaya ng pangalawang pagkakataon sina Patty at Marlon? Magawa pa kaya nilang buuin ang pamilyang pinapangarap nila kasama si Robin? Huwang palampasin ang pagtatapos ng “PlayHouse” na napapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via TFC. Mayroong simulcast streaming ang final episode nito via TFC Online (www.TFC.tv) ngayong March 22 sa ganap na 11:30 A.M. (Manila time).

Maaari namang balikan ang mga nagdaang episodes sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Maaari rin mapanood ang spin off ng “PlayHouse” na pinamagatang “ZEKEling Maging SHIELA”, isang iWant original series tampok ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via TFC Online (www.TFC.tv).