MANILA, Philippines – Vice President Jejomar C. Binay Friday challenged suspended Philippine National Police chief Director General Alan Purisima to speak up about the Maguindanao “misencounter,” as he called for justice for the 44 members of the PNP Special Action Force killed in action.
“Nagdadalamhati man tayo ngayon, dapat nating hanapan ng kasagutan ang mga katanungang bunsod ng masaklap na pangyayaring ito,” Binay said.
“Dapat ding basagin na ni Gen. Alan Purisima ang kanyang katahimikan. Sa lahat ng lumalabas na ulat, nandon palagi ang pangalan ni Purisima bilang pangunahing nagplano at nagpatupad ng nasabing operasyon kahit siya ay suspendido na sa kanyang tungkulin,” he added.
The Vice President noted that a number of questions have been left unanswered, including who was accountable for the bloodshed.
“Sino ba ang nagplano at nag-utos ng operasyon? Sino sa bahagi ng MILF [Moro Islamic Liberation Front] at BIFF [Bangsamoro Islamic Freedom Fighters] ang nag-utos na tambangan ang mga miyembro ng SAF?” Binay asked.
“Hindi ba dapat at makatarungan lamang na panagutin ang mga tauhan ng MILF at BIFF na walang awang kumitil ng buhay ng mga kasapi ng SAF?” he said.
Binay stressed that the only way to honor the sacrifice of the fallen SAF members is to ensure they get the justice they deserve.
In a statement on the National Day of Mourning for the fallen 44, the Vice President said there should be an honest and transparent investigation into the Mamasapano clash.
“Para sa akin, ang tanging magagawa nating lahat na nanunungkulan upang parangalan ang sakripisyo ng 44 na kasapi ng SAF at maibsan ang dalamhati ng kanilang mga naulila ay ang tiyakin na makakamit ang hustisya,” he said.
“Dapat magkaroon ng isang hayag at walang kinikilingan na imbestigasyon. Dapat kilalanin at dapat panagutin ang lahat ng may sala,” he added.
The Vice President also called on the public to let calm prevail over anger.
“Huwag din nating hayaan na mangibabaw ang galit at sa halip ay lalo pa nating pag-ibayuhin ang ating pagtahak sa landas ng kapayapaan sa Mindanao at sa ating mahal na bayang Pilipinas,” Binay urged.
“Gayunman, hindi dapat madaliin ang proseso. Dahil sa pangyayaring ito sa Mamasapano, lalong mahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng sektor na maging bahagi sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law (BBL),” he further said.
Binay said he believes that like in the previous times, the Filipino people will be able to triumph over such tragedy.
“Buo ang pananalig natin sa maawaing Diyos. Malakas ang tiwala natin sa tibay ng loob ng mga Pilipino. At sa maraming hagupit ng kalamidad at iba pang pagsubok, bayanihan ang umiral. Pagtutulungan ang nangibabaw. At pagkalinga sa isa’t isa ang lumaganap,” he said.
“Bilang parangal sa mga 44 bayani ng PNP-SAF, ipagpatuloy natin ang pagkakaisa at pagtutulungan. Isabuhay natin ang kanilang sakripisyo para sa isang payapa, maayos at maginhawang lipunan,” he added.
Leave a Reply