Binibigyan ng angkop na kahalagahan ang bagong taon para sa mga senyor ay mahalaga.
Para sa iba, kung ang taon ay may pagbabago dapat tayo ay dapat magkaroon din ng pagbabago sa pagpasok ng bagong taon.
Ang ibig nilang sabihin o kahilingan sa ibang kasamahan nilang senyor na sana baguhin natin ang ang hindi magandang gawain o ugali pagpasok ng bagong taon.
Isang napakahalang ugali ng ibang senyor na dapat baguhin, lalo na kung mayroong pagpupulong na itnakda o nagaganap, sana bawasan ang maraming salita na hindi naman magkakaroon ng kaganapan o naisasakatuparan. Kailangan kapag mayroon kang sinabi, gawain mo o pangatawanan mo ito. Ipakita mo sa gawa hindi lang puro salita.
At kung gusto mo rin tumulong upang maayos at gumanda ang inyong samahan, ipakita mo sa pamamagitan ng pagkilos upang paniwalaan ka. Kung ikaw ay napiling pinuno ng inyong samahan, dapat gampanan mo ang inyong tungkulin ng walang pasubali o taos sa puso para sa kapanakan at kagalingan ng mga miyembro ng inyong samahan.
Sa ibang dako naman, kung tungkol sa pagtulong ating pag-uusapan, hindi pa rin nahuhuli ang mga Pilipino. Kahit saan man tayo manirahan dito sa mundo, basta may nabalitaan na sakuna o nangangailangan ng tulong ang kapuwa natin Pilipino, lagi silang nakahandang dumamay sa lahat ng oras.
Gaya ng nangyaring sakuna sa Tacloban Leyte na dulot ng napakalakas na bagyong tinawag na Yolanda, marami sa ating mga kababayan dito sa Australia, ay nagsisikap at nagpapakahirap na gumawa ng paraan upang sila ay makalikom ng pera, damit, pagkain at marami pang iba, para maipadala sa mga nasalanta ng bagyong tinatawag na Haiyan sa labas ng Pilipinas.
Nakikita nating sa larawan ang mga ibat-ibang grupo na naghahanda ng mga ipapadala nila sa Pilipinas. Sa grupo ng KCL at APCO na pina-ngungunahanni G. Ruben Amores tulong tulong silang naglalagay sa mga karton ng mga damit at pagkain. Ang mga kasapi naman ng mga samahan n mga senyor nakikita natin silang nag-aabot sng kaunting halaga bilang tulong rin nila sa mga nasalanta ng bagyo.
Ganyan ang mga Pilipino dito sa Australia, matulungin at nakahandang tumulong sa lahat ng oras.
Leave a Reply