Sa lupang ito na ating ginagalawan lahat ng bagay ay may hangganan, tulad rin ng ating buhay na mayroon din katapusan.
Kaya ang payo ng ibang mga senyor, lalo na yong nakakatanda sa atin, habang tayo’y nabubuhay pa dito sa ibabaw ng lupa, kailangan nating maipakita ng pagmamahal sa kapuwa natin.
Kailangan maipakita natin ang kabutihan, mabuting pakikisama, mahusay na pakikipagtulungan at gumawa ng mga mahahalagang bagay para sa ikagaganda, ikasasaya at ikabubuti ng ating samahan lalong lalo na sa ating pamayanan. At kung ikaw ang napiling mamuno ng samahan at maging pangulo nito dapat mong gamin ang lahat para sa kabutihan ng lahat at hindi pansarili lamang.
Dahil mga kabutihang ginawa mo ang nagsisilbing ala-ala na miiwan mo saan ka man pumunta. At sa pagdating ng panahon na ikaw ay mawala na dito sa lupa mananatili ang iyong ala-ala a lahat na nakaranas ng iyong kabutihan at pakikisama. Kaya lahat ng kabutihan, lalo na sa iyong mga kaibigan, samahan sa komunidad na iyong ginalawan ay maaala-ala ka.
Kaya ito ngayon ang ipinapakita ng ibang mga senyor na kasapi sa ibat-ibang samahan at ang sabi nila ‘habang may buhay’ at malalakas pa sila ay lagi silang nakahandang maglingkod at tumulong basta kaya nila at hindi sila tumatanggi sa ikabubuti at ikasasaya ng kanilang samahan lalong lalo na sa ating lipunan.
Kagay ng nangyari kamakailan lamang. Nagkaroon ng pagdiriwang ang mga Pilipino o Fista Kultura na ginanap sa Fairfield Showground at tumanggap ng ng paanyaya ang samahang PASSCI Fairfield na pinamumunuan ni G. Jun Relunia at hiniling na maghandog ng isang waiting ang ang PASSCI Choir at sa isang samahan ng mga senyor naman ay isang sayaw, sa pangunguna ni Linda Alvarez ang pangalawang pangulo ng samahan.
Ang ibang miyembro naman ng ng ibang samahan ay namasyal matapos ang kanilang bilang. Nababakas sa ang kanilang mukha na wala silang kapaguran at maligaya sila sa kanilang ginagawa.
Ganito maglingkod ng mga senyor basta sa ikabubuti, ikagaganda at ikasasaya ng ating pamayanan lagi silang nakahanda
Leave a Reply