Nagkaisa ang grupo ng mga organisasyong pangkomunidad sa NSW upang itaguyod ang paghadlang at pangangalaga sa mga taong apektado ng di gumaling-galing na hepatitis B. Tinawag na Hepatitis B Alliance, nagpopokus ang grupo sa pagbubuo ng samahan sa komunidad at magkasamang pagtatrabaho upang tugunan ang mga isyu ng hepatitis B sa mga komunidad na mula sa magkakaibang kultura at lengguwahe (CALD).
Sinabi ni Elsa Collado, Pangulo ng Philippine Community Council ng NSW na siya ay nalulugod na maging bahagi ng Alyansa at nakalaang ibahagi ang kaniyang karanasan upang mapagbuti ang sitwasyon ng hepatitis B sa kaniyang komunidad.
“Nakikibahagi kami sa mga alalahaning ipinahayag ng Alyansa. Nakalaan kaming itaas ang kaalaman tungkol sa di gumaling-galing na hepatitis B sa aming komunidad gayundin ang pakikipagtulungan sa pangunahing mga tagapagbigay-serbisyo upang matamo ang pinakamahusay na resulta para sa mga taong apektado ng hepatitis B”, sinabi ni Gng Collado.
Ang Hepatitis B ay hindi pantay na nakakaapekto sa mga taong mula sa magkakaibang kultura at lengguwahe sa Australia. Ang mataas na mga antas ng di gumaling-galing na hepatitis B sa grupong ito ay may kaugnayan sa pagkakapanganak sa mga bansang may mababa o panggitnang kita kung saan may mataas na mga antas ng paglilipat mula ina patungong anak at sa maagang kabataan dahilan sa kakulangan ng komprehensibong mga programa ng pagbabakuna at tiyak na suplay ng dugo.
Sinabi ni Gng. Collado na palalawigin pa ng Alyansa ang gawain nito at hindi lamang sa epekto ng hepatitis B sa kanya-kanyang mga komunidad.
“Ang lahat ng mga miyembro ng aming Alyansa ay aktibong mga organisasyon sa kanilang sariling mga komunidad. Kaming lahat ay may kasaysayan ng malapit na pakikipagtulungan sa mga miyembro ng komunidad sa pagpapatupad ng mga inisyatibang pangkalusugan at pangkagalingan. Sama-sama, alam naming lahat kung ano ang pinakamahusay na gumagana sa paghadlang at pangangalga sa mga taong apektado ng di gumaling-galing na hepatitis B sa mga komunidad na mula sa magkakaibang kultura at lengguwahe (CALD)”, sinabi ni Gng Collado.
Susuportahan ng Alyansa ang pangunahing mga tagapagbigay-serbisyo kabilang ang Multicultural HIV and Hepatitis Service (MHAHS) sa pagpapaunlad ng iba’t ibang mga inisyatiba at estratehikong mga partnersyip sa ibang mga organisasyon sa NSW.
Ang ibig sabihin ng salitang “hepatitis” ay ang pamamaga ng atay at ito ay pinakamadalas na sanhi ng isang virus. Maraming iba’t ibang mga virus na maaaring maging sanhi ng hepatitis, kabilang ang hepatitis A, B at C. Kung sa iyong palagay ikaw ay nalantad sa hepatitis B, makipag-usap sa iyong doktor para sa payo sa pagpapasuri at mga paggamot na maaaring makuha. Maaaring matuklasan ang ebidensya ng impeksyon ng hepatitis B mula sa simpleng pagsusuri sa dugo. Ang mga pagsusuring ito ay makukuha nang LIBRE ng prayoridad na mga komunidad sa iyong lokal na klinikang nauukol sa kalusugang seksuwal kung saan hindi mo rin kailangang magbigay ng iyong pangalan o magkaroon ng Medicare card.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa hepatitis B, mangyaring bisitahin ang www.mhahs.org.au
Para sa karagdagang payo makipag-usap sa iyong doktor, o tumawag sa Hepatitis Helpline 1300 437 222. Kung nais mong gumamit ng interpreter sa telepono, tumawag muna sa 131 450.
Leave a Reply