Kamakailan lamang nagkaroon ng malaking pagdiriwang ang lahat ng samahang Pilipino dito sa Australya lalong lalo na sa lugar ng Blacktown, NSW.
Tulad din ng mga Pilipino na nakatira sa iba ibang bansa. Tuwing sumasapit ang buwan ng Hunyo hindi nakakalimuitan ng mga ninirahang Pilipino dito sa Australya na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Filipinas o Philippine Independence Day.
Kaya bago dumating ang araw ng ating kalayaan, abalang abala ang bawat samahang Pilipino sa paghahanda ng kanilang programa para sa kanilang mga panauhin at mga panauhin pandangal.
Gayon din ang mga samahan ng mga senyor na palaging nakikilahok sa mga patitipon sa pamayanang Pilipino. Ang mga samahan na hindi nakaklimutang ang ganitong pagdiriwang ay ang PASSCI Fairfield, nja nagkaroon pagdiriwang at ang naging panauhing pandangal ay si G. Ernisto Enriquez, ang Phil. Defence Attache sa Canberra. At ito ay ginanap ng SAFSI sa Marayong, samantalang ang AGAPI naman ay sa Rooty Hill.
Pagkatapos ng sariling pagdiriwang, ng-paunlak din ang ilang samahan dumalo sa mga paanyaya o inbitasyon na kanilang tinanggap mula sa ibang samahang Pilipino.
Una silang dumalo sa paanyaya ng APSL na ginanap sa Bowman Hall sa LOungsod ng Blacktown na kung saan sila ay naghandog din ng isang bilang ng mga senyor gaya ng ginagawa nila sa kanilang dinadaluhang pagdiriwang.
Ang sumunod na dinaluhan ng ibang senyor ay ang paanyaya naman ng APCO na pinamunuan ni G. Jhun Salazar at ito ay ginanap sa Renaissance Centre, Lidcome.
Sa mga nabanggit na pagdiriwang at pagsasaya, dito napapansin at nakikita na lahat miyembro ng mga sam,ahang senyor ay nagkakaisa, nagtutulungan. Kaya magiging maayos, masaya, maganda ang kanilang mga programa.
Maraming bahagi ng mga programa ang kanilang inihahanda para sa mga piling-piling naimbithang mga bisita, lalo na ang mg panauhing pandangal . Kaya lahat na dumalo ay nasiyahan.
Leave a Reply