Gaya ng iba pang organisaysong pangkumunidad, taon-taong inihahalal ng Sydney Australia Filipino Seniors, Inc. o SAFSI ang pamunuan ng organisasyon. Dito sa samahan ng SAFSI maraming miyembro ang lubos na nasiyahan nang nagkaroon sila ng halalan kamakailan lamang upang pumili ng bagong pamunuan na magpapalakad sa samahan sa loob ng isang taon.
Sa ginanap na halalan ang mga nahalal na bagong mamumuno ay sina G. Reynalda Morris – Pangulo, Virginia Atienza – Vice Pres., Delia Purisima – Sec., Juanita Sentinellar – Treasure, Angeles Belleza – Auditor, Romeo Rontale – PRO, Cesar Agustin – Public Officer.
Pagkaraan ng isang Linggo nag-karoon sila ng panununumpa kasama ang mga assistants, tagapag-ugnay ng pook at iba pa.
Nanumpa silang lahat sa harapan ni Ed Husic MP na ginanap sa Marayong Community Hall. Bilang bagong pangulo ng samahan SAFSI, si G. Reynalda Morris ay nagbigay ng maikling mensahe at sinabi niya sa lahat ng miyembro ng samahan na gagawin nilang lahat ang abot ang kanilang makakaya at susundin nila lahat ang nakasaad sa kanilang Saligang-batas upang mapabuti, mapaganda at mapasaya nila ang kanilang samahan.
Nakiusap sa lahat ng miyembro ng samahan na kailangan magkaisa, magtulungan at higgit sa lahat ay magmahalan ang bawat isa sa ikabubuti, ikagaganda at ikasasaya ng samahan.
Sa mensahe, sa ngalan ng SAFSI, nagpapasalamat ng marami sa mga panauhin pandangal sina Ed Husic MP at Konsul Heneral Anne Jalan-do on Louis sa kanilang pagdalo.
Sa kabilang dako naman dito rin sa samahang SAFSI may isang miyem-bro na nakadama ng lubos na kaligayahan dahil sa matagal niyang ipinagdarasal at inaantay-antay na sana ay magiging Australian Citizen siya itong taon na ito at natupad, dahil kamakailan lamang na kasama na siya sa pangalawang batch na nanumpa bilang mamayang Australyano na ginanap sa Bowman Hall Blacktown.
Alam ba ninyo kung sino itong maligayang senyor na ito? Walang iba kundi ang aking kaibigan na si G. Rey Alejandro at isa na siyang Australyano ngayon.
Leave a Reply