Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
Samahan ng SAFSI - Ang mga miyembro ay nagdiwang ng Melbourne Cup sa Marayong Community Hall

Pasko ng mga Senyor

Sa mga samahan ng mga senyor tuwing dumarating ng buwan ng Disymbre silang ay masasaya, dahil ang bawat samahan ay may sariling programa at pagdiriwang upang ipagdiwang ang kapaskuhan. Marami sa kanila ay talagang naghahanda ng isusuot upang matiyak na ang pagdiriwang ay tutuong maging masaya.

Hindi lamang pagdating ng Pasko ang kanilang pinaghahandaan. Kamakailan lumahok sila sa pagdating ng kilalang Melbourne Cup na dinaluhan ng kanya-kanyang mga miyembro. Ang Melbourne Cap ay ginaganap taon-taon. Nakikita nating sa larawan sa pahinang ito na nakasuot sila ng ibat-ibang uri at disenyo ng damit at kulay ng mga sumbrero. (Larawan:Samahan ng AGAPI – Sa pangunguna ng kanilang pangulo, Dorothy del Villar, ang mga miyembro ay nagdiwang ng Melbourne Cup sa Blacktown Workers Club.)

Ganito ang mga Pilipino senyor dito sa Australya, lagi silang masasaya, Lalo na ngayon buwan ng Disyembre dahil marami silang pakinabang at kasiyahan na matatamo sa ating gobyerno, gaya ng libreng konsiyerto na gaganapin sa Sydney Intertainment Centre at libreng pamamasiyal sa magagandang tanawin sa Australya gaya ng Katoomba.

At higit sa lahat masasaya sila dahil sa karagdagang biyaya na tinatanggap nila mula sa gobyerno tuwing magpapasko. Kaya naman ang iba sa kanila, maaga pa, ay nagpaplano ng umuwi sa Pilipinas upang makapiling ang kanilang mga kamag-anak sa panahon ng pasko. Hindi lamang ang magkita ang mga kamag-anak kundi ibahagi din sa kanila ang mga biyayang tatanggapin nila sa buwan ng Disyembre.

Ngunit hindi lahat ng senyor ay nakakauwi ng Pilipinas sa mga panahong ito ng kapaskuhan. Ang iba naman ay nandito lamang sa Australya, lalo na kung ang kanilang mga anak at apo ay dito na rin nakatira. Nagkakasama sila pagdating ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon. Ganito ang nakagawiang gawin ng mga senyor at sa mga nagsosolong senyor, na walang kamag-anak ay pumupunta sila sa mga kaibigan upang makipagsaya sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.

[portfolio_slideshow id=250]