Ang $479 milyong muling-pagpapaunlad (redevelopment) ng Ryde Hospital ay nagkamit ng isa pang mahalagang milestone sa paglunsad ng mga disenyo ng bagong ospital at mga maagang pagtatrabaho na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.
Sinabi ni Premier Dominic Perrottet na ang mga disenyong ipinalabas ngayon ay nagpapakita ng malaking pagpapalawak at pag-upgrade ng pasilidad na susuporta sa mga pangangailangang pangkalusugan ng komunidad ng Ryde.
“Lubos naming ginagawang isang makabagong pasilidad ng kalusugan ang Ryde Hospital na may mga bago at pinahusay na serbisyong pangkalusugan,” sabi ni Mr Perrottet.
“Ang $479 milyong redevelopment na ito ay lubos na magpapahusay sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan para sa lokal na komunidad, na titiyak na mas maraming tao ang makakakuha ng de-kalidad na pangangalaga na malapit sa kanilang tahanan.”
Sinabi ng Minister for Health na si Brad Hazzard na ang redevelopment ay magsisiguro sa hinaharap na pangangalagang pangkalusugan sa lokal na lugar.
“Ang pagsisimula ng mga maagang pagtatrabaho sa lugar ay isang makabuluhang milestone para sa $479 milyong redevelopment ng Ryde Hospital,” sabi ni Mr Hazzard.
“Kapag nakumpleto na, ang redevelopment ng Ryde Hospital ay maghahatid ng bago at pinalawak na emergency department at intensive care unit, mga bagong operahan (new operating theatres), bagong purpose-built ambulatory care center, bagong pediatric short stay unit at pinalawak na medical imaging.”
Sinabi ng Member for Ryde na si Victor Dominello na natutuwa siyang ibahagi ang mga bagong disenyo sa komunidad.
“Ang mga disenyong ito ay kasunod ng malaking pakikipag-ugnayan sa lokal na komunidad, mga clinician at pangunahing mga stakeholder sa pangangalagang pangkalusugan, pati na rin ng feedback mula sa mga kawani at konsyumer,” sabi ni G. Dominello.
“Ang feedback ay pinagbatayan ng mga pangunahing pagsasaalang-alang sa disenyo, tulad ng pamana, kapaligiran at berdeng espasyo (green space) upang lumikha ng isang nakakaengganyong kapaligiran para sa mga pasyente, kawani, at bisita.”
Leave a Reply