10 Nobyembre – Ang mga kabataang nag-aaral ng pangalawang wika sa community language schools ay bibigyan ng mas malaking suporta sa ilalim ng isang bagong pakikipagtulungan ng Pamahalaang NSW at Unibersidad ng Sydney.
Pinangungunahan ni Premiyer Gladys Berejiklian sina Minister for Finance Victor Dominello at Minister for Multiculturalism Ray Williams para ipahayag ito, na makakatulong sa mahigit 34,000 na mga estudyante upang magamit sa mga “after school†na eskuwela para sa mga klase sa pangkomunidad na wika.
Ang pagpapahayag ay ginanap sa isang pagtitipon sa Universty of Sydney Quadrangle sa harap ng mga opisyales at estudyante na kabilang sa NSW Federation of Language Schools (NSWFCLS) Inc. na pinangungunahan ni G. Albert Vela, pangulo , t G. Michael Christodolou AM executive officer ng NSWFCLS) .
“Ang Pamahalaang NSW ay nakikipagtulungan sa Unibersidad ng Sydney para pag-ibayuhin pa ang  Community Languages Program,” sabi ni Premyer Gladys Berekjlian. Ang Unibersidad ng Sydney ay isa sa maga nangungunang unibersidad sa mundo at pinakaunang unibersidad sa Australia.
“Bilang naging estudyante mismo ng Paaralang Pangkomunidad Na Wika, noong araw, maipagmamalaki ko ang pamumuno sa isang Pamahalaang nakapangako sa pagtulong sa mga estudyante na masigasig sa pagkuha nitong labas sa kurikulang pag-aaral.” dagdag ni Premyer Brerkjlian.
Ayon naman kay G. Ken Cruickshank ng Unibersidad ng Sydney, sa ilalim ng pagkikipagtulungan ng Pamahalaang NSW, ang Unibersidad ng Sydney ay: gagawin ang mga sumusunod:
- Magbibigay ng mga mapagkukunan sa pagtuturo, mga aktibidad para matuto at mga gagamitin sa pagtatasa;
- Pasisimplihin ang administrasyon sa enrolment at rehitrasyon ng pagsali ng estudyante;
- Maghahatid ng mga iskolarsyip sa propesyonal na pagkakatuto para sa mga magtuturo ng pangkomunidad na wika;
- Magbibigay ng mga learning passport para masundan ang progreso ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
“Ang matuto ng pangalawang wika ay maraming maidudulot na mga benepisyo at ang programang ito ang magbibigay ng mga mapagkukunan ng mga estudyante para sa pinakamahusay na pagkakataon na linangin at matutunan ito. Ito rin ay magpapalago sa paaralan ng pangkomunidad na wika,” sabi ni Ginoong Ray Williams.
Sa NSW, nagsasalita tayo ng mahigit sa 200 na mga wika at itong ganitong inisyatiba ang makakatulong sa atin na pagpanatilihin iyang mahalagang bahagi ng ating kultura.
“Itong pamumuhunang ito ay maglalagay sa posisyon ng NSW bilang isang lider at tagapagpabago sa edukasyon ng wika. Itong pagsosyohang ito ay magbibigay ng datos para payagan ang mga guro at pamahalaan na magsagawa ng mas mabuting mga desisyon sa hinaharap,” sabi naman ni Ginoong Victor Dominello.
Ang pagpahayag ngayong araw ay kasunod nang ipinangako noong magsisimula pa lang ang taong ito sa dagdag na $10.9 milyon na pamumuhunan para sa Mga Paaralang Pangkomunidad na Wika upang maibunsod ang dami ng mga estudyante na mag-aaral ng kanilang pangkomunidad na wika.
Leave a Reply