Sa ating buhay ang pagtanda ay hindi maaaring pigilan. Dito sa daigdig ng mga Pilipino senyor, habang lumilipas ang araw, buwan at taon ay nadadagdagan ang kanilang mga edad. Kaya habang tumatanda sila ay pahinang pahina na ang karamihan sa kanila. Marami na silang nararandamang sakit at pagbabago sa kanilang katawan, gaya ng magiging makakalimutin, mahina na sa pandinig, lumalabo ang mata at marami pang iba.
Kaya sa pamamagitan ng kolum na ito gustong ipaalaala o iparating ng mga senyor sa mga ibang anak ang kanilang mensahe o paki-usap sa kanila. At ito ang kanilang pakiusap.
1. Anak, pakiusap ko sana saiyo, na sana unawain mo kami at pag-pasensiyahan kung hindi namin nagawa kaagad ang pinapagawa mo dahil sa aming katandaan at kahinaan ng katawan.
2. Anak, pakiusap ko sana saiyo na sana ay pagpasensiyahan mo ako dala ang kalabuan ng aking mata, nabasag o nasira ko ang kagamitan mo sa inyong bahay at huwag mo sana akong pagalitan dahil hindi ko naman sinasadya.
3. Anak, pakiusap ko sana saiyo mahina na ang aking pandinig, hindi ko masyadong naintindihan ang inyong sinasabi sana paki-ulit mo nalang anak. Pasensiyahan mo narin kung ako man ay makulit at paulit-ulit magsalita talagang ganyan ang tumatanda. Anak, natatandaan mo ba noong maliit na bata ka pa? Kapag gusto mong bumili ng laruan, paulit-ulit mo rin sinasabi sa akin? Kinukulit mo ako hanggat hindi mo makuha ang gusto mo? Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo, sana anak ganoon din sa akin ngayon.
4. Anak, pakiusap ko sana sa iyo kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungan tumayo, katulad rin ng pag-aalay ko sa iyo noong maliit ka pa at nag-aaral matutong lumakad, pinagtiyagaan kung hawakan ang dalawa mong kamay hanggang sa nakalalakad ka na sa sarili mong paa. Sana ganon din sa akin ngayon anak.
5. Anak, pakiusap ko sana sa iyo kapag dumating na ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay dahhil sa malubhang karamdaman huwag mo sana akong pagsawaan alagaan hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Hawakan mong mahigpit ang aking mga kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob upang harapin ang aking kamatayan.
Huwag kang mag-alala anak kapag nandoon na ako sa kabilang buhay ay ibubulong ko sa sa Panginoon Diyos na ikaw ay pagpalain dahil ikaw ang anak na mapagmahal sa kanyang mga magulang.
Para sa ibang anak na buhay pa ang kanilang mga magulang pag-isipang mabuti kung paano ninyo sila mapapaligaya. Huwag ninyong antayin pa ang huling araw nila sa mundong ito upang ipadama sa kanila ang inyong pagmamahal. Kamakailan lamang dito sa samahan senyor SAFSI may isang inang senyor nakatira sa Government Housing natuklasan ang kanyang kanyang mga kaibigan namatay sa loob ng kanyang bahay. Kaya mga anak sana paggising sa umaga at bago matulog sa gabi napakaligaya nilang marinig ang ang inyong tinig sa telepono kumustahin ang kanilang kalagayan.
Leave a Reply